Nagising ako dahil sa paghalik sakin. Idinilat ko ang isa kong mata at nakita si Clevin na nakangiti sakin. Sobrang liwanag ng ngiti para sa magandang umaga.
"Goodmorning, my angel." nakangiting bati niya at hinalikan ako sa noo. Tinakpan ko ang bibig ko bago magsalita.
"Magandang umaga." sabi ko at bumangon na.
"Mas maganda ka sa umaga, baby. Imagine, tulog ka pero ang ganda mo, pag gising ka maganda ka pa din, kahit anong gawin mo maganda ka, sa sobrang ganda mo pati buhay ko pinaganda mo." sabi niya. Di ko mapigilang mapangiti. Aga aga, nagpapakilig kaagad tong mokong na to.
"Wag mo na ako bolahin, Clevin." sabi ko at pumasok na sa banyo.
Ngayon ko lang naalala, sa sofa nga pala ako natulog at bumangon ako sa kama? Baka binuhat ako ni Clevin?
Pagtapos kong magtoothbrush at mag ayos ay lumabas na ako ng banyo. Nandon si Clevin, naglalagay ng damit sa isang bag. Then realization hits me. Magbebeach nga pala kami ngayon!
"We will visit Tambobong Beach today." sabi niya habang iniimpake ang mga damit niya. Nagulat ako ng kumuha din siya ng damit ko. Puro longsleeves ang kinuha!
"Hoy, sa beach punta natin hindi sa Baguio!" sabi ko at kinuha ang mga longsleeve kong croptop. Nakapamaywang siya sakin at nakataas ang kilay.
"Hoy ka den, menor de edad ka pa lang at beach ho ang pupuntahan natin! Anong gusto mo magtwo piece ka?" nakapamaywang niyang sabi. Ginaya ko siya at tinaasan din ng kilay.
"Menor de edad nga eh jinowa mo naman! Saka nakita mo na ang katawan ko, at ano naman kung may makakakita? I should be proud kasi maganda ang hubog ng katawan ko---"
"What mine is mine. I don't want you to show your skin. Ako lang dapat makakita niyan. Hindi ka magbibikini, and that's final." he cut me off at inagaw ang mga longsleeve sa kamay ko at inilagay sa bag. Aba talaga!
Umupo ako sa sofa at nag isip kung papano ko mapapapayag si Clevin. Halos mapunit ang labi ko sa kakangisi ng may maisip na paraan. Halos may lumabas na bumbilya sa ulo ko dahil sa naisip ko.
"Baby." tawag ko sa kanya. Agad siyang nagtaas ng tingin sakin at nakaawang ang mga labi. Pero kaagad siyang umiling at tinaasan ako ng kilay.
"Don't use that to me, Eilly Beatriz." sabi niya at patuloy na inayos ang mga gamit namin. Napairap na lang ako at kumuha ng pancakes. May pancakes at gatas pati kape pala sa coffee table, ngayon ko lang napansin. Tahimik lang akong kumakain pero ramdam ko ang tingin ni Clevin, kaya lalo akong sumimangot. Uminom ako ng gatas at bumuntong hininga.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Clevin at nakita kong papalapit siya sakin. Napangiti ang utak ko. Best Actress talaga!
Tumabi siya sakin at uminom siya ng kape niya.
"Papayag ako pero one piece at short ang suot mo." sabi niya na parang labag pa sa loob niya. Nilingon ko siya at nginisihan.
"Okay!" sabi ko at kinindatan siya. May one piece akong dala na konti na lang eh parang two piece na din. Backless at stringed tube na kulay Mocha.
"Sulitin mo na yang kasiyahan mo sa magandang katawan mo, pagtungtong mo ng disi otso, itatali na kita." bulong niya pero di ko masyadong marinig kung tama ba.
"Ano? Anong meron kapag eighteen na ako?" tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Edi happy birthday kapag eighteen ka na." sabi niya at nginisihan ako. Ngising aso. Inirapan ko lang siya at nilagay na ang mga lotion, sabon, shampoo, toothbrush at toothpaste sa bag.
"Magpalit ka na ng damit. Susunduin natin sila Ashley sa bahay nila. Tapos 20 to 25 minutes na byahe papuntang Dasol." sabi niya at tumalikod sakin para maghubad ng damit.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...