Nagkakagulo ang lahat sa bulletin board ng school. Nagstop ako nang lakad at tumingin kay Clevin. Nakatingin din siya sakin. Ngayon ang announcement ng mga Dean's Listers. It's already December, my birthmonth!"You want to check the announcements?" he asked. Tumango ako sa kanya. He nod and nag excuse siya sa lahat, tumabi naman ang iba dahil si Clevin yun eh.
Lumapit na ako sa kanya at nakitingin sa dean's listers. Una kong tinignan ang 2nd years.
Echavarria, Vandoss Faeiou
Eleazar, Clevin SaintHalos lahat ng nasa varsity ay kasama sa dean's lister. Kasama din si Andres!
"Dean's lister ka,Clevin." sabi ko sa kanya. He just smiled.
"Nothing new." sagot niya sakin. I snorted and laughed.
"Congratulations, baby. Kasama ka sa dean's list." nakangiting sabi niya sakin. Tinignan ko ang papel ng 1st years at halos hindi makapaniwala.
Dominguez, Eilly Beatriz
Napayakap ako kay Clevin. Yumakap din naman siya pabalik.
"Napakagaling talaga." sabi niya sakin. Napangiti ako at naglakad na kami papunta sa cafeteria. I saw Isagani's name on the dean's list. Kakaunti lang kaming nasa dean's list na BSAE. Bumagsak ang iba dahil sa sinco na galing kay Prof. Martinez.
Madami na ang nangyari simula noong pumasok ako dito. Mag aapat na buwan na kami ni Clevin sa December 24. At malapit na akong magbirthday. December 21 ang birthday ko. Mag 18 na ako, finally. Legal age na.
I enjoyed being here in Nyuborn. I have my new and few friends. I have my good grades. I have my lovely boyfriend. I have my Mom who supports me. Wala na akong mahihiling pa. Everything is perfect.
"Let's celebrate!" sabi ni Isagani samin. Naging close na uli sila nina Clevin simula noong magkaparty. Lagi ko na din siya kasama magcutting sa ibang subjects.
"Let's barhop." sabi ni Lana sa tabi ni Dos. Pinitik naman ni Dos ang tenga ni Lana.
"Ayan, jan ka magaling. Project mo, ako gumagawa." sabi ni Dos. Lana snorted.
"Mahal mo naman ako eh." sabi niya at ngumisi. Napailing na lang si Dos. They are bestfriends with benefits, sabi ni Clevin. Ewan ko kung maniniwala ako, mukha naman silang lovers.
"Doon na lang sa bar ni Kuya." sabi ni Isagani. Halos lahat kasi kami dito ay dean's lister.
Nag kaayaan na ang lahat. Nag agree na ang lahat sa sinabi ni Isagani. Nagkukwentuhan pa sila sa sports room. Nag scroll ako sa instagram at nag pop up ang group chat naming Pumpkins.
lara.louis : bar tayo :( broken hearted ako ngayon.
fiyayeyiyoyu : game, don sa bar ni vios uli.
nikkicoleen : boy hunt. boy hunt.
mymymylene : sama ko si christian :P
katey_ : gameee ako jan. gusto ko na ng jowa eh
beatrixs : pupunta kami don. let's all hang out na lang. may mga varsity players kaming single :P
nikkicoleen : mahal na talaga kita, eilly
katey_ : bet!
Natawa ako sa mga chats nila. Mylene is with her boyfriend, Fiya also have her boyfriend. Katey, Lara and Nikki remains single. They have flings pero kalaunan ay iniiwan sila at ginoghost.
"Magbabar din sina Fiya." sabi ko kay Clevin.
"Edi kita kita na lang don." sabi niya at nagsuklay ng buhok.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...