"Oy, nasa labas na si Clevin. Inaantay ka." sabi ni Yana sakin, kaklase ko.Hindi na ako nagulat kung nandoon si Clevin. Lagi siyang nandoon, ewan ko ba kung nag aaral pa siya ng mabuti o puro cutting ang pinaggagawa.
"Hi.." bati niya paglabas ko ng classroom. Ang ibang babae ay kinikilig pero ang iba ay nakasimangot. Crush ng bayan si Clevin, sinong hindi maiinis sakin?
"Clevin, di mo naman kailangan puntahan ako rito. Mas gugustuhin ko pang mag aral ka ng mabuti kesa pumunta ka rito." sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at hinatak na paalis sa classroom. Ilang beses ko na atang linya 'yon!
Hinatak niya ako papunta sa gymnasium. Walang tao doon, kaming dalawa lang.
"Papasok ako sa next class ko, promise. Samahan mo muna ako kumain. Gusto ko rin makitang kumain ka, naririnig kong hindi ka kumakain dahil busy ka sa klase." seryosong sabi niya at hinatak ako papasok sa sports room.
Totoo naman, minsan ay hindi ako kumakain sa tamang oras o minsan hindi na talaga ako kumakain. Busy ako sa paggawa ng plates at pagsusulat ng notes. Sino naman ang tenga at mata nito sa classroom? Taray may taga update?
Pinaupo niya ako sa sofa at inilatag ang madaming pagkain sa harap ko. Naalala ko ang tanong niya sakin dito noon, magtatlong buwan na iyong nakalipas.
Pinagmasdan ko si Clevin na busy sa pag aasikaso sa pagkain namin. Simula ng manligaw siya sakin, hatid at sundo. Minsan ay nagagalit na ako kasi ang kulit, nagcucutting lagi para sabay kaming kumain. Tulad ngayon. Magkaiba ang schedule namin dahil mas mataas siya ng isang level sakin.
"Hey.. kain na." sabi niya at nilagyan ako ng pagkain. May mga prutas din na nasa tupperware.
Isang linggo pa lang siyang nanliligaw at hindi ko alam kung alam na ba nila Hannah. Hindi pa kasi kami nagkikita dahil busy din sila sa kani kanilang klase. Si Dos, hindi ko din alam kung sasabihin ko sa kanya.
Wala rin naman akong magawa dahil persistent si Clevin kahit ilang beses ko siyang tinanggihan. Lalo lang siyang kumulit. Sabi ko ay hahayaan ko na lang, mapapagod pero hindi! Tumagal pa ng isang linggo!
"Anlalim naman ata ng iniisip mo, Beatriz." napatingin ako sa kanya. Nag aalala ang mga mata niya. Ngumiti ako.
"Iniisip ko lang yung mga lessons." sabi ko at kumain na.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may nagbukas ng pinto. Ingay ang rinig namin.
"What the hell?!" sigaw ni Hannah saming dalawa ni Clevin. Napahinto sina Carlos at Larren sa kulitan at asaran at gulat na napatingin sakin at kay Clevin.
"Bro, what the fuck?" gulat na utas ni Larren at tinignan ang mga pagkain na nasa table.
Anlakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyayari. Di ko alam ang sasabihin ko. Nakatunganga lang sina Hannah sa may pintuan. At etong si Clevin ay nakangisi pa, hinayupak!
"Oh bat kayo nagugulat? Kumakain lang naman kami." nakangising sabi ni Clevin. Halos magsalubong ang kilay ko. Don't tell me, itatanggi niya ako? Oh no.
"Dude, imposibleng kumakain lang kayo. Ganyan ang ginawa mo kay Lianna dati, don't tell me....?" sabi ni Carlos at napatingin sakin. Napayuko ako. Sobrang kabado at nahihiya. I didn't want this!
"Oh, ano naman kung nanliligaw ako kay Eilly? May nagsabi ba na bawal siyang ligawan?" aroganteng sabi ni Clevin. Napataas ang kilay ko.
Napailing na lang sila at natawa. Umupo sila sa tabi ko at nakikain.
"Kung ako sayo, dapat di ka pumayag magpaligaw sa kanya." bulong sakin ni Hannah, dismayado ang mukha. Nagtaka ako.
Bakit dapat hindi ako pumayag? Kinabahan ako dahil sa inakto ni Hannah. Hindi naman ako talagang pumayag! Masyado lang siyang makulit!
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...