40

158 8 0
                                    

Lahat ay masaya habang kumakain. Pagtapos nito ay ang 18 candles at gifts na. Naexcited ako sa regalo at wishes nila para sa akin.

"Happy Birthday, apo!" bati sakin ni Lola Poala at ngumiti.

"Salamat po sa pagdalo, Lola! Enjoy po!" sabi ko sa kanila at bumalik na sa pwesto ko dahil start na ang 18 candles and gitfts.

Nauna na si Mommy. Umakyat siya sa stage, dala dala ang regalo niya. Maliit ang box na dala niya. Humawak siya sa mic at tumingin sakin.

"Happy birthday sa una kong biyaya na galing sa Diyos. Si Eilly ang pinakamatapang kong anak, madami man ang nangyari sa kanya na minsan ay hindi ko siya naipagtatanggol pero siya na mismo ang nagtatanggol sa sarili niya. Bilib bilib ako sayo anak, napakatibay mo. Mas matibay ka pa kay Mommy. Ang hiling ko sayo ang panghabang buhay na kasiyahan dahil deserve mo ang kasiyahan dahil mabuti kang tao, anak. Madilim man ang pinagdaanan mo noon, nagawa mo pa din magbigay liwanag sa mga taong nakapaligid sayo ngayon. I love you, anak! Tandaan mo na andito lang lagi si Mommy para suportahan ka." sabi ni Mommy at yumakap sakin. Nagpunas ako ng luha at yumakap ng mahigpit kay Mommy.

"Thank you so much, Mommy." sabi ko sa kanya at humalik.

Sumunod si Ella at Tita Almira na nagbigay ng regalo at wish. Natawa ako ng umakyat si Lara sa stage. Hawak niya ang isang maliit na box.

"Hoy, babaita! Ikaw ang pinakamatapang na babae na nakilala ko. Knowing where you came from made me love you so much. Before, I can't imagine that your resting bitch face was really came from dark. Sabi ko pa dati na mukha kang spoiled bratt and bitch. Pero noong nakilala kita, bitch ka lang pero may mabuting kang puso. Kitang kita ko kung paano ka mahabag at maawa sa mga batang lansangan. Naalala mo noong highschool tayo? Yung noon na nawala ang pera mo pero nakagawa ka ng paraan para bigyan ng pagkain yung mga bata na lansangan na lagi mong binabalik balikan?" tanong niya sakin at sumulyap sakin. Napatango ako sa sinabi niya. It's way back 3rd year high school.

"Ladies and gentlemen, Eilly Beatriz worked part time sa isang cafe para mabigyan ng pagkain ang mga batang yon. She really loves helping, forgiving and understanding the situation of the people. My only one wish for you, ay yung maging masaya ka. Your happiness was our happiness, too. You've came from deep hell and resurfaced being an angel. Happy birthday, Eilly. I love you so much." sabi niya at yumakap sakin. Yumakap din ako sa kanya ng mahigpit.

"Thank you, I love you." sabi ko sa kanya. Bumaba na siya at sumunod si Katey. May hawak siyang medjo malaking box.

"Ayan, yang babaeng yan." sabi ni Katey at itinuro ako. Natawa ako sa ginawa niya.

"She's the lady who almost ended her own life. We saw what she did, andoon kami noong nagising siya sa hospital, maputla. Siya yung di mo alam kung ano yung tumatakbo sa isip. Nakangiti lang siya pero di mo alam na mabigat na pala nararamdaman niya. I salute this woman for resurfacing from hell and spread kindness. Ang tanging hiling ko lang ay ang maging masaya ka sa buhay. Ayun lang ang hiling ko sayo. Kasi deserve mo yun eh, deserve mo maging masaya dahil mabuti kang tao. I love you, Eilly. Happy Birthday!" nakangiting sabi niya at yumakap sakin.

"Thank you, Katey. I love you so much." sabi ko sa kanya at tinanggap ang regalo. Bumaba siya at si Mylene naman ang sunod na umakyat.

"Happy Birthday, Eilly! Hindi na ako magdrama ng mahaba. Thank you so much for the strong friendship. We are sisters forever, not by blood but by heart. My only wish for you is to have genuine happiness and peaceful life. Ngayon ay tahimik at masaya na ang buhay mo, sana pang habang buhay na yon. Mahal kita! Happy birthday!" nakangiting bati niya sakin at yumakap. Napangiti ako sa mga kaibigan ko. Never silang umalis, never silang tumalikod.

The Guy Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon