"Welcome back." salubong sa amin ni Isagani sa airport. Dala ni Kuya Stan ang mga gamit namin ni Eli.
"I'm finally back." sabi ko at ngumiti. Nakayakap sa akin si Eli, he was sleeping. Nakasuot siya ng hoodie at cap. At may backpack din siyang maliit, andoon ang isang tsupon para sa gatas at tubig.
Tinulungan ni Isagani si Kuya Stan sa dalahin, susunod pa lang sina Mama at Papa dahil tinapos nila ang business nila doon sa Michigan.
"Hey, Eli. Big boy ka na ah." sabi ni Isagani kay Eli na kakagising lang.
"Mama." sabi niya at yumakap uli sa akin. Natawa ako dahil mukhang naninibago si Eli sa mga tao.
Nagmameho na si Isagani papunta sa isang condominium. May penthouse daw kasi si Kuya Stan malapit sa Nyuborn kaya doon na lang daw muna kami magstay.
"Any plans para sa birthday ni Eli?" tanong ni Isagani.
"Wala pa, magtatrabaho muna ako. Mag apply muna ako sa Real Estate Company mo." sabi ko sa kanya. Tumawa lang si Isagani at umiling.
Isagani Leonel Madrigal, 21, CEO of IL Madrigal Estate Company. Still single.
"Sige doon ka na lang magtrabaho. May ibibigay ako agad na project sayo." sabi niya at ngumisi sa akin.
Nilaro ko si Eli habang nasa byahe kami. Tulog si Kuya Stan, mukhang pagod, akala mo siya ang nagpalipad ng eroplano eh.
Isa pa to, Constantine Elyste R. Alonzo, 24, CEO of STN Enterprises at COO of Alonzo Enterprises. Grabe, single as fuck.
Pinanood ko si Eli na nakatingin sa bintana ng umaandar na sasakyan. He looks so fascinated and amazed sa mga nakikita niya. Eli barely talk, ang kaya niyang sabihin ay Mama, Lolo at Lala. Lala ang tawag niya kay Mama at Lolo kay Papa. Hindi niya kayang banggitin ang Tito kaya Lolo din ang tawag niya kay Kuya Stan.
"Mama." tawag niya sa akin at humawak sa pisngi ko at ikinuskos ang ilong niya sa akin. Ito ang paglalambing niya sa akin. Kapag ginagawa niya 'to ay gusto niyang ikiss ko siya sa mataba niyang pisngi.
"What is your name?" tanong ko sa kanya.
"Sen Elas Lonto." bulol na sagot niya at pumalakpak. Napangiti ako sa kanya. He looks so cute. Mahaba na ang kulot niyang buhok, nahaharangan na ang mata niya kaya minsan ay tinatalian ko siya.
Huminto si Isagani sa tapat ng isang mataas na building. Naunang lumabas si Kuya Stan at tumawag ng valet. Inilabas nila ang mga gamit sa compartment. Isinuot ko ang cap ni Eli at isinuot ko ang aviator glasses ko at bumaba. Karga karga ko si Eli at pumasok kami agad sa loob ng building na yun.
Sumakay kami sa elevator. Nakayakap lang sa akin si Eli. Parang naninibago siya sa lugar namin ngayon.
"Are you scared?" tanong ko sa kanya. Umiling siya.
"Sleepy?" tanong ko uli. Umiling din siya.
"Lala." sabi niya at yumakap uli sa akin. Mukhang namimiss niya kaagad ang Lola niya. Tinanggal ko ang sumbrelo niya at sinuklay ang kulot niyang buhok. Grabe ang pawis!
Nakadating na kami sa penthouse ni Kuya. Agad kong inilipag si Eli sa lapag. He can walk pero matutumba din kaagad. Nakakangawit kasi siyang buhatin, anlaki niya at mabigat.
"Mama." sabi niya at nagpapakarga uli.
"Mama is tired." sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Pumunta kami sa sofa at mabilis siyang umakyat doon at umupo.
Inayos nila Kuya ang mga gamit na dala namin. Umorder naman si Isagani ng pagkain namin.
"Do you want ice cream?" tanong ni Isagani. Tumalon talon pa si Eli sa sofa sa sobrang tuwa.
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
Romance[THROE SERIES 1] Eilly Beatriz wants a normal life. Away from the life that she's living since 7 years old. Gusto niyang mamuhay ng tahimik at simple. She's craving for something that she can't have. Living with her Papa was chaotic and miserable. S...