Chapter 12

36 18 0
                                    

Typos

Saranghe♡

----***-----

Padabog akong naglakad papasok sa taxi. Mabait talagang bata si Tom kahit na gawan mo ng masama ,parang wala lang sa kanya.

Naiinis ako sobra. Kasi hindi man lang niyang magawang magalit.

Tahimik pero nakakausap mo, kesa kay Steven na oras oras kakausapin ka ng walang kabuluhan puro pang aasar.

Tskk...

"Bayad!"
Lalabas na sana ako ng taxi ng magsalita ang driver.

"Hijo,sukli mo"

"Wag na. Ipunin mo para sa kinabukasan ng mga anak mo, hindi yung ipapamukha mo sa kanila na may utang na loob sila sayo---"

*BAGSSSSHHHH*
Ingay ng pintuan ng kotse ng taxi.

Sana lang hindi ka katulad ng ibang tatay diyan.

Nasa tapat na ako ng bahay nila Tom.

Nagdadalawang isip ako. Pero naisip ko na may pangako ako kay Tom kaya hindi ko babaliwalain.

Papasok na sana ako sa loob ng may nagsalita mula sa gilid ng bahay nila.

Ang tatay ni Tom pala.

"Haha! Bumalik ka pang bata ka!"

"Ikaw ang ipinunta ko---"

"Sus! Alam kong si Tom ang nagpumilit at hindi ikaw. Kilala ko ang anak ko hindi ako matitiis ng gunggong nayon!"

"So, siya matitiis mo.!"napatawa ako sa mismong nasabi ko. Pero may halong sarcastic.

"San nga pala yung anak ko?"

"Hindi ko sasabihin kahit alam ko. Ayaw kitang pagkatiwalaan,gets mo!"

Ibinaba nito ang beer na tinutungga.

"Haha! Matikas ka bata at magaling makipaglaban. Gusto mo irereto kita sa boss ko noon.
Magkakapera ka pa. At sisikat kA. Ano payag ka? A----"

Napailing ako at inilapag ang hawak hawak ng first aid kit sa table na may marami pang bote ng beer na kakabukas lang. At sa baba nmn ay ang mga naubos na.

"Anong mapapala ko  maliban sa pagiging sikat at sa pagkakaroon ng pera?! Bangas, bugbog, at isa lang ang masasabi ko. Kasabwat si kamatayan"

"Haha! Alam mo pala ang patakaran, bakit hindi mo subukan. Tsak na magugustuhan ka nila at baka gawin ka pang leader ng boss ko. Pero syempre dahil inereto kita akin ang 50 percent sa kikitain mo---"

"Hudas barabas ikaw ba si hestas?? Lupet mo,Tanda! Nagpunta ako rito para hindi pumayag sa gusto mo. Iyan ang gamot, nasa loob ng first aid kit na yan----"

"Sus!! Hulaan ko. Nakasali ka na sa mga gang pero kumawala ka. May dahilan ka bata, pero masarap sa bulsa-kaya pumayag ka na. Wala nmng mawawala sayo---"

"Tskkk. Tao ka pa ba? Sa asta mo kulang na lang ang sungay at buntot dyan sa pwet mo. Hindi ako natutuwa sayo. Kung gusto mong matuwa pa ako sayo. Gamutin mong mag-isa ang etlog mo!!! "

Napabuga ako ng hangin dahil sa inis at yamot.

Tskkk.

Kung hindi lang ako pinigilan ni Tom, may sariling kabaong nato. Libre ko pa dahil isasalvage ko yung nagbebenta ng kabaong kung hindi ibibigay ng libre ang pagtutulugan ng tatay nimo!!!!

Hear me out!(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon