Chapter 33

35 13 4
                                    

"Nasan na ba kasi yun?? Pusang-gala naman oh!!"mura ko sa sarili ko ng hindi ko parin mahanap si Toxic Cat sa canal.

Yes, speaking.

Si Miller Fronler, isang poging bad man ay naghahanap sa Nakakata-Cute na pusang si The Toxic Cat.

Seryoso ako okay??
Napapakamot na ako sa ulo ko, wishing na may kuto.

Hutek..
"Nasan ka na ba?? May pa special looking ka pa ahh!"
Pawis na pawis na ako.

Di ko na keri!

At kitang kita na ang sando ko sa panlabas kong school uniform na polo.

"Meeoooowww!"

Nang hindi na ako makatiis ay naghanap ako ng matatanungan.

And speaking of mapagtatanungan.

Tiningnan ko ang isang nilalang na nahiga lang sa isang damuhan malapit sa canal.

"Ehemm.. kakapalan ko na ang mukha ko"I stared at his eyes. At kung baga siya naman sya naman ay palinga linga."Ehem.. Hey. Magtatanong ako okay?? Hindi ako masamang tao"

Walang imik ito ah!!

Ano ako hangin??

"May nakita ka ba??"
Tuloy lang ito sa pagkotkot ng kuko. At palingalinga sa paligid.
"Nakita mo ba si Toxic Cat??"

Napatayo naman ito kaya napalayo ako.
"Nakita mo ba yung ka-uri mo?"
Wika ko sa pusang naka-Puting balahibo.
Pero imbis na sagutin ako Ng
"Meow"niya ay tinakbuhan ako.

Tskk.

Walang modo!

"I just hate cats.... and dogs"
Bulalas ko ng may nakita akong
Matandang babae na naglalakad na papalayo.

Masama naman ang titig nito sa akin na akala moy sira ulo ako.

Siraulo ba ako?? Tskk.
Mas sira siya. Sira na yung ulo niya. Masama pa ang mukha niya!

Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Toxic Cat..

Kung nasan man siya ay sana magpakita na siya. Buong maghapon na akong paikot ikot sa Tuwid na canal na ito.

May katapusan pa kaya ito??

Hanggang sa napadpad na ako sa isang PET SHOP.

"HMMMM. I wonder"napahimas himas pa ako sa baba ko at nag isip ng magandang plano.

Binuksan ko ang pintuan ng sinasabing store ng mga HAYOP gaya ni Toxic Cat.

KLINGGG

Tunog ng bell sa taas ng pintuan.
Para malaman siguro kung may pumasok.

Isang babae ang aking nakita.
Sa tantsa ko ay Pala-simangot, Pala-laro ng buhok sa laylayan,Pala-ganda ang nasa isip and last one, Her face is like a shovel. Which means hugis-Pala.

Nakatingin ito sakin ng walang emosyon.

"Anong kelangan?"

Gusto ko syang kutusan, paalam kaya ako?!

"Ano ba ang ipinunta rito?!"masungit kong tanong sa kanya.

Napakibit balikat naman siya.
"Ewan ko"

"Bobo!"

"Malay ko ba kung gusto nila ng  hayop,nandito naman ako"

"Hahaha"napatawa talaga ako ng napakalakas. Echo pa nga sa buong apat na corner e."Hayop ka nga. Tigas ng mukha!"

Hear me out!(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon