chapter eight
"Here, drink this."
Napalingon ako kay Lezus nang may inabot siyang baso na may laman ng tubig. "Salamat," tinanggap ko naman ito at dahan-dahan na uminom. Pagkatapos ay napabuga ako ng hangin.
Tumabi siya sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "You're still cold," mahinang sabi niya bago mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko.
"Ayos na ako," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Ang laki na ng utang na loob ko sa'yo," mahina akong napatawa.
"No," umiling siya sa'kin. "You owe me nothing. I did what I did because I care for you and I like you, Hope. I promised to treat you right, so please, let me."
May naramdaman akong kakaiba sa loob ng dibdib ko. Kumirot ang puso ko pero hindi dahil sa sakit. Iba.
Lumihis ako ng tingin. Binawi ko ang mga kamay ko sa kaniya. "'Di kami okay ng pamilya ko," tipid na sabi ko sa kaniya at sinalikop ang dalawang kamay ko bago bumuntong-hininga. "Hindi kami okay simula noon pero lumala pagkatapos ng insidente," hindi siya nagsalita at naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin, halatang makikinig siya ng maigi sa mga sasabihin ko. "Hindi rin stable ang mental health ko. I do self-harm, yes, but I'm not that suicidal," paliwanag ko.
"Hope..."
"I'm okay. Umiinom ako ng gamot bago matulog, sanay na ako sa nangyayari sa'kin. Ayaw kong magsalita kasi ayaw kong kinaaawaan ako. 'Wag ka nalang magsalita diyan. Wala na rin akong paki sa iba maliban nalang sa mga kaibigan ko. Just be there for me. Just like you said, be there and I'll be alright. I promise."
Natahimik kaming dalawa.
"Am I your new human medicine?" nakita ko siyang ngumiti sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano na naman 'yang pauso?"
"It would be an honor if it's a yes."
Umirap ako sa kaniya. "Sige nalang, kung sa ikakasaya mo."
Napatigil siya. Lumingon siya sa'kin. "Does my happiness matter?" kumunot ang noo niya. Tumaas naman ang kilay ko.
"Bakit hindi? Tigilan mo na rin ang pagbilang ng rejections ko," sabi ko sa kaniya.
Napatigil siyang lumingon sa'kin.
"W-Why...?" alanganing tanong niya.
I sighed. Humarap ako sa kaniya. "Pa'no pa ba kita irereject kung wala kang ibang ginagawa kung 'di ang alagaan at gustuhin ako?" matapang na tanong ko.
Hindi siya nakapagsalita muna. "T-That doesn't make sense..."
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...