prologue

96 13 13
                                    

prologue



"Hoy, pag-asa! Anong mukha 'yan?"


Napalingon ako sa taong nagsalita at mas lalong sumama ang mukha ko nang nakita ko si Neina, kaibigan ko. Inirapan ko lang siya at hindi nagsalita.


"Attitude ka ha? Kung sakalin kaya kita?" Rinig ko pang sabi niya bago tumabi sa'kin. "Umurong ka nga! 'Di ako makaupo!" Reklamo pa niya.


I let out a groan bago umusog ng konti para makaupo siya. Nakahawak lang ako sa noo ko gamit ang isang kamay habang nakapatong ang siko ko sa mesa. "Aray!" Sigaw ko nang sinabunutan niya ako. "Ano ba?!"


"Anong 'ano ba'?! Kakausapin mo 'ko o hindi?! Pinapunta mo pa ako dito kung magmumukhang hangin lang naman ako?!" Hinila niya pa buhok ko kaya napadaing ako. "Hayop ka! Ibalik mo 'yung pamasahe ko!"


"Oo na! Oo na! Magsasalita na! Punyeta!"


Irita kong inayos ang maikli kong buhok na hinila niya. Ang sakit!


Lumingon ako sa kaniya at nakangisi lang ang hinayupak sa'kin. Linabas ko ang gitnang daliri ko sa pagmumukha niya na ibinalik lang din naman niya sa'kin. Umirap ako.


"Oh, ano? Pinatawag mo ba ako para tignan 'yang mukha mong pinagbagsakan ng langit at lupa?" Irita niyang tanong bago humarap sa'kin.


Napabuntong-hininga ako.


"Lezus..." Ang tanging nasabi ko.


Agad siyang humagalpak sa kakatawa. "Weh ba?! 'Di pa rin ba siya tumitigil? 'Kala ko nireject mo na 'yon?"


"Kaya nga! 'Di ko na mabilang kung pang-ilang beses ko nang ginawa 'yon! Ewan ko kung ba't buntot-buntot pa rin siya sa'kin!" Nabwi-bwisit na sigaw ko.


"Eh, gaga ka! Ba't mo naman kasi nirereject?! Pogi pogi nung tao tapos inaayawan mo? Kung ako sa'yo, jowain mo na 'yon! Hindi ba't single at ready to mingle ka? Panindigan mo motto mo oy!"


Sinamaan ko siya ng tingin. "Ulol! Edi yari ako sa nanay ko!"


"Sabagay," napatawa siya. "Ayusin ko nalang kabaong mo kung sakali," sasabunutan ko na sana siya pero napigilan niya ako. "Charot! Ano ka ba? Baka pinaglalaruan ka no'n! Hirap naman din kasi mareach si Lezus, daming fangirls 'kala mo nasa teleserye," umirap siya.


I sighed. "Mag-order ka nga do'n! Gutom na ako," utos ko kay Neina.


"Gago ka? 'Di uso libre sa'tin hoy! Wala si Prism dito," tukoy niya sa isa pang kaibigan naming babae na laging mabigat ang bulsa.


Irita akong kumuha ng pera sa wallet ko at ibinigay sa kaniya. Kinuha naman niya 'yon bago pumunta sa counter ng coffee shop na naging tambayan na namin. Napabuntong-hininga nalang ako.

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon