chapter twenty-seven
"But I'm not lying when I love you. Janylla, I love you so much. I'm sorry."
Napatingin lang ako sa kaniya. Sa mukha ni Alexus na parang pinipilit akong maniwala sa lahat ng sinasabi niya. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.
Napabuntong-hininga ako bago binawi ang kamay ko sa kaniya. Umiwas ako ng tingin at tinitigan lang ang bintana.
"Tapos na ang nangyari. Walang magbabago sa mga sinasabi mo," walang ganang sagot ko kahit ramdam ko pa rin ang higpit sa dibdib ko.
"Janylla..." rinig kong tawag niya sa pangalan ko. "I won't ask for your forgiveness. I know I caused you so much trouble. Countless miseries and pains. I'm so sorry—"
"Isang sorry mo pa, ikakabaliw ko na," napatigil siya sa sinabi ko.
Biglang nagbasakan ang mga luha kong hindi ko namalayan na namumuo na pala sa mga mata ko.
"Ayoko na. Narinig ko na lahat. Ayos na," pinunasan ko ang mga luha ko. "Sirang-sira na ako, 'di ko na alam ang gagawin ko. Sa tingin mo ba, magiging maayos ang lahat dahil sa mga sinabi mo?" natahimik siya. Napatango-tango ako.
"Oo nga pala, ginamit ka ng ate ko. Wala kang kasalanan. 'Di mo sinasadya. Okay lang, okay lang," napayuko ako at tumulo na naman ang mga luha ko. "'Wag kang mag-alala, 'di na ako galit sa'yo. 'Di naman ako nagalit sa'yo," inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Alexus.
"Janylla..."
"Hindi naman ako nagalit sa'yo pagkatapos ng nangyari. Siguro nasaktan, nalito, nainis, pero hindi nagalit. Ayos lang, naiintindihan ko, Alexus. Sorry din, sorry kasi dinala mo lahat ng sakit na 'di naman dapat. Sorry kasi nasaktan ka rin. Sorry kasi nadamay ka pa sa galit ng kapatid ko. I'm sorry, I'm so sorry..." napahikbi ako.
"No, Janylla—love, no. Stop saying sorry, it's not your fault," tumutulo na rin ang mga luha niya sa harapan ko.
"Salamat, salamat dahil sinabi mo lahat sa'kin 'to. Salamat kasi sinagot mo lahat ng tanong ko sa loob ng pagkatao ko. Salamat sa pagmamahal mo sa taong katulad ko. Salamat," sinubukan kong ngumiti sa kaniya pero hindi ako nagtagumpay at napahagulgol nalang.
Kaninang walang emosyon na katawan ko ay parang binagsakan ng sakit. Walang lumapit sa'kin at hinayaan lang akong umiyak. Napayuko ako at sinusubukan na punasan ang mga luha pero may sumusunod na naman.
"Alexus, pwede umalis ka na lang muna? Mukhang nasabi mo naman ang kailangan mong sabihin," rinig kong sabi ni Neina.
"A-Ah—yes, sure," narinig ko ang pag-ingay ng upuan. "Janylla, I hope you'll get better. I really do."
Hindi na ako nag-ingay hanggang sa narinig ko ang pag-bukas at pag-sarado ng pintuan. Napahikbi ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang akong naiyak nang may yumakap sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...