chapter thirty-four: much

11 4 0
                                    

chapter thirty-four



"Why are you letting my baby Hope cry, Uncle? I definitely won't forgive you for that."


Lahat kami napatigil. Walang nagsalita ni-isa sa'min. Muling nagpatuloy ang mga luha ko nang nakita ko ang gising na mukha ni Lezus.


Nataranta akong lumapit at hinagkan siya. Humagulgol ako sa dibdib niya.


"L-Lezus...gising ka na..." 'di makapaniwalang sabi ko.


Hindi pa rin sana ako maniniwala nang naramdaman ko ang mga kamay niyang niyakap ako pabalik.


"K-Kirion...wait—we'll call the doctor."


Narinig ko ang pag-iwas ng mag-asawa at naiwan ako kay Lezus na niyayakap lang ako. Ang sakit na sa dibdib ko sa kakaiyak pero hindi ko mapigilan.


Parang nabuhay ako ulit.


Kasi gising na siya.


Gising na.


Hindi pa rin ako makapaniwala. Muli ko siyang tinignan sa mukha at nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya. He stiffened. Pero hindi ko ito pinansin at hinalikan siya hanggang sa mas hinigpitan niya ang yakap bago binalik ang halik ko.


Halik sa muli niyang pagbabalik sa buhay ko. Halik na pagpapasalamat na maayos siya at ligtas. Halik ng pagmamahal.


"I love you, I love you, I love you," ilang ulit ko itong binulong sa kaniya nang humiwalay na ako sa kaniya. Sinuksok ko ang mukha ko sa leeg niya at ilang minuto muna siyang napatahimik bago nagsalita.


"A-Are...are you not mad at me? I-I—"


Pinigilan ko ang sasabihin niya gamit ang daliri ko. Tinapat ko ito sa labi niya at pinunasan ko ang luha ko.


"Mag-uusap tayo sa tungkol diyan sa susunod. Kailangan muna maging maayos ang kalagayan mo. Kaya kong maghintay," tinitigan ko ang mga malumanay niyang mga mata. "Nagtitiwala ako sa'yo," dagdag ko.


"H-Hope..." mahina niyang tawag sa pangalan ko at hinila ako at muling naglapat ang mga labi namin. Napapikit ako nang pinalalim niya ang halik namin. Nang maubusan ako ng hininga ay ako na ang humiwalay. Pinagdikit niya ang noo namin. "I love you, I love you, I love you so much, my Hope. I love you," muli akong napaiyak sa mga sinabi niya. Kahit siya ay humihikbi na rin.


"T-Tinakot mo ako..." humihikbi na sabi ko. Inabot niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Nakita ko ang mga luha niya.


"I-I'm sorry...I needed to protect you. I would die if you were the one who was hit," mahina niyang sabi. Napayuko ako at napasinghot.

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon