chapter sixteen
"Hope? Are we okay?"
Napatigil ako sa pag-ayos ng bag ko nang nagtanong bigla sa'kin si Lezus. Lumingon ako sa kaniya at pinilit na ngumiti.
"Oo, bakit naman hindi?" tapos binalik ang tingin sa bag ko.
Napansin ko siyang lumapit sa'kin sa gilid ng mata ko. Nang maisarado ko na ang bag ko ay agad ko itong sinuot at hindi na nakapagsalita si Lezus nang umalis ako sa kwarto.
"Hope? Why are you acting like this? I thought we're okay?"
Hindi ko siya pinansin. Ramdam ko pa rin ang bigat ng puso ko dahil kagabi. Nang makalabas ako sa room ko ay bumungad agad sa'kin si Neina at Prism.
"Pag-asa!" lumapit agad siya sa'kin.
"Are you okay? Neina told me what happened," nag-aalala ang tinig ni Prism. Ngumiti lang ako at tumango.
Wala akong ganang magsalita.
"Why? Did something happened?" narinig ko ang tanong ni Lezus sa likod ko. Nakita kong napatingin sa'kin si Neina. Umiling ako.
"Uy, Lezus! Nandito ka pala!" si Neina na ang lumapit. "Kami muna ang kasabay ni Pag-asa, ha! Lagi nalang ikaw! Nagseselos na kami!"
"Huh? Wait—"
Hinawakan ni Prism ang kamay ko at sabay na kaming lumabas.
"Hope, please. Don't shut me out. Did something happened after I left?"
"Lezus, pwedeng 'wag mo munang guluhin si Pag-asa? Usap kaibigan lang. 'Wag muna ngayon," rinig kong pigil ni Neina kay Lezus.
Napapikit ako at napahigpit ng kapit kay Prism. Agad na akong pumasok sa kotse ni Prism at nakita kong gustong paglapit sa'kin ni Lezus.
Kumirot ang puso ko.
Mukha siyang gulong-gulo. 'Di alam ang gagawin. Bigla akong tinamaan ng konsensya.
Pero ewan, parang nakakahiya na rin kasing lagi nalang niya akong inaalagaan. Dapat 'di na siya mapunta sa'kin. Masyadong magulo ang mundo ko, hindi siya nararapat dito.
"Jan, are you really okay with this? You can talk to him just a little bit," sabi sa'kin ni Prism.
"Ano ka ba?! Hayaan mo na si Pag-asa kung ano ang gusto niya!"
"But Lezus would feel lost. He didn't know what happened. Then you are avoiding him. Are you really sure with this?"
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...