chapter thirteen: miracle

8 5 0
                                    

chapter thirteen

"What the hell are you doing here, little sister?"

Nanlaki ang mga mata akong napatitig kay ate Holly. Nakaupo pa rin ako sa ibabaw ng buhangin havang nakatingin sa kaniya. Nakataas ang kilay niya sa'kin na parang naghahanap ng sagot kung bakit ako nandirito.

Tangina. Ang ganda namang breather 'to.

"Your little sister? You have a little sister? I thought you are an only child!" gulat na sambit ng lalaking katabi niya na hindi ko napansin. "Are you okay?" bumaling siya sa'kin at nilahad ang kamay sa harapan ko.

Nanginginig ko itong tinanggap at tumayo ng maayos. Pagkatapos ng ilang buwan ay nagkaharap na naman kami. Janzyn Holly, ang ate kong halos sambahin na ng mga magulang ko sa sobrang perpekto niya.

"What? Still not talking?" matinis na tanong niya.

Hindi ako makatingin sa kaniya. Wala akong masabi. Hiniling ko na sana hindi muna dumating si Lezus pero mukhang hindi talaga ako pinapakinggan ng Panginoon nang biglang nagpakita sa'min si Lezus.

"Hope? Who're you talking to?"

Napalingon ako kay Lezus na may dala-dala na dalawang buko shake. Nagtataka ang mukha niya at lumapit sa'kin.

Nakita ko ang paglingon sa'kin ni ate sa gilid ng mata ko. Parang gusto kong mawala bigla.

"Oh, wow," rinig kong sabi niya. "Henrix, please leave a moment. I'll be right back," baling niya sa katabi niyang lalaki.

"Are you sure?"

"Yeah, yeah. Just go," pagtulak niya pa sa lalaki na agad din namang umalis.

Naiwan kaming tatlo na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Lumapit sa'kin si Lezus at nag-aalala ang mukhang bumulong sa'kin.

"Are you okay? Who is she?" tanong niya na hindi ko naman nasagot dahil biglang sumingit si ate.

"Hi! I'm Janzyn Holly, Janylla's older sister!" napalingon kaming dalawa ni Lezus kay ate na nakangiting naglahad ng kamay sa harap ni Lezus.

Hindi ito tinanggap ni Lezus at itinaas ang dalawang shake na dala. "Sorry, my hands are full. But, it's nice to meet you," sabi naman ni Lezus. "I'm Lezus Kirion," pakilala niya.

Napansin ko ang pagtingin ni ate kay Lezus mula ulo hanggang paa. "Ah, yes, I heard so much about you," ngumiti siya ulit.

"Really? From who?" litong tanong ni Lezus.

"That's a secret!" humagikgik si ate. Napakuyon nalang ako ng kamao. "So, who are you in my dear sister's life?"

Napatigil ako sa tanong niya. Ngumisi siya at naghihintay ng sagot ni Lezus. Napayuko ako at napapikit sa sobrang panginginig ng kamay ko. Sinubukan ko itong itago at mukha namang hindi ito napansin ni Lezus.

"I'm courting her," parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Lezus.

Bumaling ang atensyon ni ate sa'kin. Ngumiti siya at napatango-tango. "Oh, really? Wow. We never got the news about a new suitor from our dearest Janylla. Why though?" nakataas na ang kilay niya sa'kin.

Hindi rin nakapagsalita si Lezus.

"My, my. You never learn your lesson, do you?" tanong pa ni ate. Napaiwas ako ng tingin. "But oh, well. I guess you're happy?" tanong na naman ni ate sa'kin na ikinagulat ko.

Anong nangyari? Tinanong niya ba kung masaya ako? That's a first.

"Y-Yeah..." nauutal na sagot ko.

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon