chapter thirty
"Jan, please, open the door."
Malalakas ang katok na ginawa nila sa pintuan pero hindi ko sila pinansin. Nasa sulok lang ako ng kwarto na yakap-yakap ang dalawang tuhod ko.
"Hope, sige na, please. Kailangan mong kumain. 'Di ka pa umiinom ng gamot. Ilang araw mo na ba kaming hindi pinapansin?" nag-aalala ang tinig ni Kylan pero hindi pa rin ako nagsasalita.
Wala akong pakialam.
Mamamatay ang mamamatay.
Napayuko ako at nagtama ang noo ko at ang tuhod ko. Hindi na ako nag-ingay. Mahina lang akong napahikbi.
Ilang araw na akong mag-isa sa kwarto ko at sa loob ng ilang araw na 'yon ay naalala ko lahat. Lahat ng nangyari. Humigpit bigla ang dibdib ko.
Ang sakit pa rin. Nababaliw na ako.
"Pag-asa, ano ba ang kailangan naming gawin para lumabas ka na diyan? Please, nagmamaakaawa na kami sa'yo," sabi ni Neina na sinabayan pa ng mahihinang katok sa pintuan.
Napaangat ako ng tingin bago dahan-dahan na tumayo. Naglakad ako papunta sa pintuan pero hindi ko ito binuksan. Pinunasan ko ang luha ko.
"Bigay niyo sa'kin si Lezus, lalabas ako," madiin na sabi ko na ikinatahimik nila sa labas.
Ilang minuto na siguro bago may nagsalita sa kanila.
"J-Jan, is that really the only way?" nauutal na sabi ni Prism.
"Oo," walang ganang tipid na sabi ko.
Natahimik na naman sila.
"We'll take you to Lezus, only after you eat. Can we have a deal?"
Napatigil ako sa sinabi ni Prism. Ilang minuto muna akong tumahimik bago napabuntong-hininga at binuksan ang pintuan.
Nakita ko silang parang nabuhayan ang loob nang lumabas na ako sa kwarto. "Bilis, gusto ko nang makita si Lezus," madiin na sabi ko at naglakad na papunta sa kusina.
Agad silang sumunod sa'kin at binigyan ako ng pagkain nang umupo na ako. Walang gana akong kumain pero binilisan ko ito.
Para makita si Lezus.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas pero natapos ko na agad ang pagkain at agad na pumunta sa kwarto para maligo. Wala na akong pakialam kung ano ang kinuha ko na damit basta may maisuot.
"Alis na tayo," mabilis na sabi ko nang lumabas na ako sa kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...