chapter thirty-eight: forgive

8 3 1
                                    

chapter thirty-eight



"Congratulations, dear!"


Agad nagpasabog ng confetti si tita Zaphine at masayang niyakap ako pagkatapos. "Thank you, tita."


Kinurot niya lang ang ilong ko at masayang niyakap ako ni tito. Maraming sinabi si tito bago humiwalay at si Eonna na ang yumakap sa'kin.


"Congrats, bitch," tumawa ako sa sinabi niya.


"Eonna Zeraphyne, language," suway agad ni tito.


Umirap siya at humiwalay na sa'kin. "I'm not a child, I can cuss all I want," sabi niya lang na ikinailing ni tito.


"OMG! Congrats, love!" masayang sigaw sa'kin ni Prism at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Nang humiwalay siya ay nakita ko talaga ang tuwa sa mga mata niya. "I'm so proud of you, Jan."


Parang may kung anong init akong naramdaman sa puso ko. "T-Thank you, Pri."


Sumunod naman sa'kin sila Neina. Graduation ko ngayon at nandito silang lahat. Buti nga at hindi sabay-sabay ang mga ceremony namin.


"Grabe, graduate ka na. I feel like a proud mother," tila naiiyak na sabi ni Kylan. Inirapan ko siya.


"Wala kang matres," kontra agad sa kaniya ni Neina.


"Ayos lang, matres mo naman gagamitin natin," nakangising sabi niya na ikinatigil ni Neina. Namula ang mukha niya at agad siyang pinaghahampas.


"F-Fuck you! Bakla ka talaga!"


"Sus, mahal mo naman."


"Punyeta ka! Sa labas ka matutulog mamaya!"


"Love naman..."


Napangiti ako habang nakatingin sa dalawang kaibigan ko. 'Di ko nalang din alam ang nangyari at nalaman nalang na nagkakamabutihan na rin silang dalawa. Mukhang pinatuwid ulit ni Neina 'tong bakla, eh.


"So, asan na ang pinakamamahal mong boyfriend?!" humarap sa'kin ulit si Neina. Nagkibit-balikat ako.


"Malay, nandito lang 'yon kanina, eh," sabi ko at pinaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko. Ang init, punyeta.


"Gago, 'la ka tracker?" sinamaan ko siya ng tingin.


"Bakit? Kailangan ba 'yan?" umiwas ng tingin si Neina.


Tumawa si Kylan. "Bruha siya, ginawan niya ng tracker phone ko. Baka raw ma-kidnap ako no'ng stalker ko noon," sabi niya na ikinairap naman ni Neina.

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon