chapter forty: will

8 4 1
                                    

chapter forty


[warning: mature scenes ahead. :))]



"Baby, how's the exam? Need a power hug?"


Napangiti ako sa bungad sa'kin ni Lezus pagkalabas ko ng examination room. His arms spread to signal me for a hug. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya.


Naamoy ko agad ang perfume niyang ako ang bumili. Napangiti ako at mas sinuksok ang mukha sa dibdib niya.


"Nahirapan ako ng konti, baka hindi ako makapasa—"


"Shh," agad na pagtigil sa'kin ni Lezus at hinawakan ako sa magkabilang balikat para palayuin sa katawan niya bago harapin ang mukha kong nakanguso na. "You'll pass, baby. I know you did great."


Masuyo niyang hinalikan ang noo ko at muli akong hinagkan ng mahigpit bago humiwalay sa'kin. "Gutom na ako," sabi ko sa kaniya.


He chuckled. "My baby's hungry with all the questions? Where should we go?" tanong niya.


"Ipagluto mo 'ko," sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya na magkahawak ang kamay. Lumingon siya sa'kin.


"Sure, I'll cook your favorites. You deserve a nice dinner," ginulo niya ang buhok ko na ikinasama ko ng tingin.


"'Wag mo ngang sabi igulo ang buhok ko. Ayusin mo," agad naman siyang tumigil sa paglakad at napailing humarap sa'kin. Maingat niyang inayos ang buhok ko at sinapo ang magkabilang pisngi ko.


"Okay na, boss?" inirapan ko siya. Binitawan na niya ako at sabay na kaming pumasok sa kotse niya.


Nagsimula naman siyang magdrive at hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa apartment. Pagod akong umupo sa couch na ikinatawa niya lang. Lumapit siya sa'kin at siya na ang nagtanggal ng sapatos ko habang nakapikit akong sumandal.


"You can take a nap while I prepare the food," mabilis niyang hinalikan ang labi ko kaya napamulat ako ng mga mata. Kinindatan niya ako at ngumisi bago umalis sa harapan ko.


Umirap nalang ako bago humiga sa couch. Niyakap ko ang unan na nando'n at mahimbing na nakatulog.


-


"I've been thinking..."


Napaangat ako ng tingin kay Lezus na nagsimulang magsalita habang kumakain kami. Tumaas ang kilay ko.


"You've been thinking what?" tanong ko sa kaniya, pinapatuloy ang sinasabi niya.


Lumingon siya sa'kin. "I've been thinking of going to Maldives with you," natigilan ako sa sinabi niya.


my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon