chapter thirty-three
"Hayaan mo 'kong mahalin si Lezus nang mapayapa. Nagmamakaawa ako sa'yo, ate. Hayaan mo akong makasama si Lezus. Please, leave me and Lezus alone. I'm begging you..."
Wala na ako pakialam kung mukha akong katawa-tawa, kaawa-awa o ano pa diyan. Hindi rin nag-ingay ang mga kaibigan ko na nasa likuran ko lang.
Hinawakan ko lang ang mga kamay ni ate habang umiiyak na nakaluhod sa harapan niya.
Hindi siya nakapagsalita. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin, patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha niya.
Bigla siyang napaiwas ng tingin at hinila ang mga kamay niya sa'kin. Umawang ang mga labi ko nang bigla niyang pinunasan ang mga luha niya at walang pasabing umalis sa harapan ko.
Natahimik kaming lahat.
Napayuko ako at napatingin sa mga kamay kong nanginginig. Dahan-dahan kong hinawakan ang dibdib kong walang tigil ang pag-sikip at pag-kirot.
At doon napahagulgol na parang wala nang bukas.
Walang lumapit sa'kin, umiyak lang ako nang umiyak. Inilalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko pagkatapos kong marinig ang lahat ng sinabi ni ate.
Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko sa sobrang sakit. Nauubos na ako...
"Jan..."
Naramdaman ko ang mga kaibigan ko na niyakap ako nang sabay-sabay. Pinalibutan nila ako at nasa gitna nila akong walang tigil ang iyak. Gano'n lang ang posisyon namin na patuloy lang nila akong pinapatahan.
Mahigpit nila akong niyakap hanggang sa unti-unti na akong kumakalma.
Hinayaan nila akong umupo sa couch at humihikbi pa rin akong binigyan nila ng tubig. Hindi ako nag-ingay, hindi rin sila nag-ingay at hinayaan akong uminom ng tubig.
Napapikit ako habang umiinom ng tubig at agad na napabuga ng hangin pagkatapos. Inilagay ko ang baso sa malapit na mesa at napasapo ng mukha bago napabuntong-hininga.
'Di pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko.
Naramdaman kong may tumabi sa'kin.
"Pag-asa..." rinig ko ang boses ni Neina. Napatigil ako sa pag-sapo ng mukha ko at napalingon sa gawi ni Neina na nag-aalala ang mukha. Pumungay ang mga mata niya at maliit na ngumiti sa'kin. "Nandito lang kami para sa'yo," ang tanging sinabi niya.
Ngumiti ako pabalik. "Salamat..."
-
Pagkatapos ng ilang araw ay hindi pa rin ako umalis sa tabi ni Lezus na halos magda-dalawang linggo nang nasa coma. Hindi ako pumasok kahit ano pa ang sinabi nila. Ayoko. Ayokong iwan si Lezus.
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...