chapter fifteen: SOS

10 5 1
                                    

chapter fifteen



"Anong ginagawa mo dito?"


Nakita ko ang pag-wala ng ngiti ni ate pero agad din naman niyang ibalik nang lumapit siya sa'kin.


"Duh! I visited you! I told you I missed your face in the house!" nakangiting sigaw niya at bigla akong niyakap.


Parang naestatwa ako sa biglaang yakap niya. Hindi ko alam kung anong nakain niya ngayon pero parang may kung anong saya ang naramdaman ko sa puso ko.


Parang gusto kong maiyak. Kailan ba ang huling yakap niya sa'kin? Hindi ko na maalala.


Kahit hindi ko dapat siya mapagkatiwalaan dahil sa nangyari noon, hindi ko pa rin mapigilan na maging masaya. Kung totoo man 'to, sana hindi nalang siya magbago.


"Oh! Lezus! Why are you with Janylla?" tila ngayon niya lang napansin si Lezus nang humiwalay siya sa yakap.


"I live next door," turo ni Lezus sa room niya.


"Wow! So that's how you two got close!" tila namamangha niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa masayang mukha ni ate sa harapan ko na parang ilang taon ko nang hindi nakita.


Nakita ko ang pagngiti rin ni Lezus kay ate. "Yeah, I guess," sabi niya.


"Won't you invite me inside?" bumalik ang tingin ko kay ate nang hinawakan niya ang balikat ko.


"A-Ah, yeah. Pasok ka," napayuko ako at pinagbuksan ko siya ng pinto.


"Lezus? How about you? Let's have some dinner, I'll cook!" lumapit siya kay Lezus at nakita ko naman ang mahinang pagtawa ni Lezus bago napatingin sa'kin.


Tinanguan ko nalang siya.


Pumasok na kami sa loob at nilagay ang bag ko sa loob ng kwarto ko. Napaupo ako sa kama bago napabuntong-hininga. Napamasahe ang ng noo at binagsak ang sarili pahiga.


Anong ginagawa talaga dito ni ate? Pagkatapos ng nangyari noong isang taon ay hindi na talaga kami nagkikita, ni hindi nga niya ako binibigyan ng pansin. Umiwas na rin ako sa kaniya at kay mama pagkatapos kong umalis ng bahay.


Nagpalit ako ng damit at lumabas na ng kwarto at nakikita kong nagtatawanan na sina Lezus at ate Holly.


Hindi ko alam pero parang may pumiga sa puso ko.


No, ako ang gusto ni Lezus. Inulit-ulit ko 'yan sa utak ko.


Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa sa 'di kalayuan hanggang sa napansin ako ni Lezus. "Hope," tawag niya sa pangalan ko habang nakangiti.


"'Di ka muna magpapalit ng damit?" tanong ko pagkalapit sa kanila.


my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon