chapter twenty-eight
"L-Lezus...b-bakit... bakit mo nagawa sa'kin 'to? Bakit...?"
Hindi ako makapinawala.
Parang gumuguho na ang mundo ko. Na naman.
Putangina.
"L-Lezus...bakit...?"
Patuloy lang na tumutulo ang mga luha ko, hindi pa rin tanggap ang nasa harapan ko. Ang sakit. Putangina, ang sakit.
Ang taong mahal ko... nagpapakasaya sa yakap ng taong dahilan ng lahat ng pagdurusa ko.
Parang sinaksak ako sa puso sa harap-harapang pagta-traydor.
"Gago, bakit...?"
Nakaupo pa rin ako sa sahig, nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ako makahinga.
Napatingin ulit ako sa harapan ko. Kitang-kita ko ang tulog na mukha ni Lezus. Mukhang maayos ang tulog niya. Parang nag-saya talaga siya kagabi. Napatawa ako ng mapakla.
Lord, bakit ganito ang buhay ko?
Bakit ganito nalang lagi?
Ang sama-sama mo sa'kin, Lord. Bakit?
Bakit ako?
Maraming tanong ang nasa isipan ko na hindi ko naman mahahanapan ng sagot hanggang sa napatigil ako nang may nagtakip ng mga mata ko.
"J-Jan, stop looking. Let's get out of here," napansin ko ang panginginig ng kamay ni Prism habang nagsasalita.
"Putangina! Mga walang hiya kayo! Mga walang puso! Ang bababoy niyo! Napakasama niyo! Tangina niyong lahat!" rinig ko ang malakas na sigaw ni Neina at ang ilang gamit na nagkababasag.
Tinulungan akong patayuin ni Prism. Parang nablanko na ang isipan ko. Napatanga nalang ako habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.
"What the hell? Bitch, are you high? Can't you see we're sleeping?"
Napatigil ako sa boses na narinig ko. Tinanggal ko ang kamay ni Prism na nasa mga mata ko pa rin. Napatingin ako kay ate na nakaupo na sa kama habang tinatakpan ang katawan niya gamit ang kumot.
"Isa kang putanginang makating siraulong walang hiya! Putangina ka! Ang baboy mo! Tangina ka! Mamatay ka na! Bwisit ka! Punyeta ka!" halos lahat na mura ay sinigaw ni Neina kay ate habang hinihila na ang buhok niya.
"Shit! Let go of me, you fucking bitch!" napadaing na siya sa pag-hila ni Neina na nahulog pa siya sa kama. "Fuck!" mura ni ate nang nakita namin ang hubad niyang katawan.
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...