chapter twenty-nine: liar

10 4 0
                                    

chapter twenty-nine



"L-Lezus... L-Lezus... Lezus..."


Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya pero wala. Hindi siya nagising. Yakap-yakap ko ang duguan niyang katawan at nakapikit niyang mukha. Humiwalay ako sa kaniya at tinitigan ko ang tulog niyang mukha.


Nakita kong may tumulo sa pisngi niya at doon ko lang nalaman na umiiyak na pala ulit ako.


Parang wala akong naririnig sa mga ingay ng tao sa paligid ko. Nanginginig ko lang hinawakan ang pisngi ni Lezus. Maingat kong pinunasan ang dugo na nasa mukha niya. Humigpit ang puso ko, parang sinaksak ako ng paulit-ulit.


"N-No...Lezus...hindi, please..." humikbi ako. "A-Ayoko ng ganito...please...ayoko...ayoko...'di ako magagalit sa'yo pag ganito ka...Lezus, please...gumising ka..." niyakap ko ulit ang katawan niyang walang malay. Parang bata kung yakapin ko siya.


"Please...please...kailangan mo pang magpaliwanag sa'kin...kailangan mo pang kunin ulit ang loob ko...Lezus, putangina naman, eh. Utang na loob, walang ganito...please, 'wag ganito..."


Napahagulgol ako sa iyak, wala na akong pakialam kung duguan na rin ako pero mahigpit ko lang siyang niyayakap. Ayaw kong maniwala. 'Di to totoo. Umiling-iling ako na parang nasisiraan ng bait. May mga lumapit sa'min na mga tao pero hindi ko pa rin binibitawan si Lezus.


"No, umalis kayo. 'Wag kayong lumapit. Hindi ko siya ibibigay sa inyo. Akin siya. Akin siya," marahas akong umiling-iling sa babaeng nagmamakaawa na ang tingin sa'kin.


"Miss, kailangan na namin siyang idala sa ospital. Bigay mo na siya sa'min, please. Mag-hunos-dili ka," maingat na sabi sa'kin ng babae pero umiling-iling lang ako at niyakap ng mahigpit si Lezus.


My Lezus.


Hindi siya pwede mahiwalay sa'kin. Hindi pwede.


Galit lang akong nakatingin sa babaeng hindi kalayuan sa'kin. May mga kasama na rin siyang maingat lang nakaabang sa'kin habang yakap-yakap ko si Lezus. Mas hinigpitan ko ang yakap sa duguang Lezus. My baby. My baby Lezus. Hindi ka pwedeng makuha sa'kin. Ang sakit-sakit na. 


"Jan!"


Naramdaman kong may humihila na sa'kin papalayo kaya histerikal akong sumigaw. "No! No! Bitiwan niyo 'ko! Kailangan ako ni Lezus! Hindi pwede!" pilit akong kumakawala sa mga kamay na humahawak na sa'kin papalayo kay Lezus.


Napaawang ang mga labi ko nang kinuha na ng mga tao ang katawan ni Lezus at nilagay sa stretcher. Lezus...


"Jan, he needs to go to the hospital. Calm yourself down, please," naririnig ko na ang boses ni Prism sa tenga ko.


Humagulgol ako ng iyak. "Prism...si Lezus...si Lezus..." nanginginig kong tinuro ang katawan ni Lezus na sinakay na sa ambulance. "Kinukuha na siya sa'kin, Prism. Prism, ayoko. Ibigay niyo siya sa'kin. Ibigay niyo siya sa'kin," nagmamakaawa ang pakiusap ko sa kanila.

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon