chapter twenty-five: sorry

10 4 1
                                    

chapter twenty-five



"Pag-asa, may nag-leak ng scandal niyo ni Alexus. Kalat na sa buong social media."


Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa narinig. Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nanginginig akong napatingin kay Neina na kagat-labing nakatingin sa'kin.


"T-Tino-talkshit mo ba ako? 'Wag kang magbiro ng ganiyan, Neina. Masasakal kita."


Umiling siya at kinuha ang phone niya. "Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat pero isa lang ang taong kilala kong gagawa nito," alanganin niyang binigay sa'kin ang cellphone niya.


Napanganga ako nang napanood ko ito. Putangina. Sa dati kong apartment 'to. Halatang-halata ang mukha ko at ni Alexus. Rinig na rinig ko ang mga boses naming dalawa. Kahit ang pag-tawag ko sa pangalan niya ay sobrang rinig. Biglang bumagsak ang mga luha ko.


Humigpit agad ang dibdib ko. Putangina. Ba't ganito? Pa'no nagkaroon nito? Hindi ko alam na mayroong video pala. Hindi ko alam 'to. Napaupo ako sa sobrang panghihina.


"Jan!" sigaw agad ni Prism at agad na lumapit sa'kin. "Stop watching that!" inagaw sa'kin ni Prism ang cellphone at agad akong niyakap.


Parang wala akong naramdaman nang napaupo ako. Patuloy lang na bumabagsak ang mga luha ko pero blanko ang isipan ko. Alam kong may sinasabi ang mga kaibigan ko pero parang walang pumapasok sa tenga ko.


Parang sirang plakang umuulit-ulit ang mga ungol naming dalawa ni Alexus sa isipan ko.


Napasabunot ako ng buhok ko. "A-Ayoko na... tigilan niyo na...." nagmamakaawang pakiusap ko nang hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang napanood at narinig.


"Pag-asa!"


"Please, tigil na. Ayoko na. Tama na..." humihikbi akong sinuntok ang ulo ko nang paulit-ulit na pilit naman akong pinipigilan ng mga kaibigan ko.


"Jan, please..."


Tumayo ako at agad na tumakbo papalayo kahit tinatawag ako ng mga kaibigan ko. Maraming taong napapatingin sa'kin pero patuloy lang akong tumatakbo. Kahit malabo na ang paningin ko ay lumabas ako ng campus at hindi pinansin ang pag-sigaw sa'kin ng guard.


Sumakay agad ako sa taxi na tumigil sa harapan ko at agad na sinabi sa kaniya ang address ng apartment.


Nanginginig ang mga kamay ko kaya napakuyom ako ng kamao. Patuloy pa rin na bumabagsak ang mga luha kong hindi matigil-tigil. Napayakap ako sa sarili ko.


Parang konti nalang mababaliw na ako.


Iniisip ko palang na maraming nanonood ng video na 'yon ay parang masisiraan na ako ng bait. Ang sakit sa puso. Ang sakit sa ulo. 'Di ko na kaya.


my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon