chapter twenty-six: face

10 4 0
                                    

chapter twenty-six



"Kain na, Pag-asa."


Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay at nalaman ko nalang na nasa hospital na ako. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Neina. Walang gana lang akong nakatingin sa taas.


Wala akong nararamdaman.


Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Kailangan mo kumain. Buong araw kang walang ginagawa kung 'di ang tumingin sa kawalan," umupo siya sa tabi ko. "Papunta na dito si Prism at Kylan, inaasikaso lang ang para sa hospital."


Napatigil ako. "Gusto ko na umuwi," mariing sabi ko.


Sila na naman ang nag-aalaga sa'kin. Ba't hindi nalang nila ako hayaan sa apartment? Ayaw ko dito.


"'Di pwede. Maraming dugong nawala sa'yo," naramdaman kong hinaplos niya ang palapulsuhan kong may bandage na. "Ba't kasi ang dami at ang lalalim ng mga sugat na ginawa mo? 'Wag naman ganito, Pag-asa."


"Gusto ko na umuwi," ulit kong sabi sa kaniya. Ayoko nang mag-tagal pa dito.


"Pag-asa, 'wag na kasing matigas ang ulo. Dito ka lang muna, pagkatapos ng ilang araw, ipapa-discharge ka na namin."


Walang buhay ko siya tinignan. Napatigil siya at pumungay ang mga mata. "Uuwi ako. Ayoko dito," bulong ko sa kaniya.


"Bukas. Okay? Bukas, uuwi na tayo. 'Wag muna ngayon. Please," nag-mamakaawang sabi niya kaya umiwas na ako ng tingin at hindi na nagsalita.


Pinilit niya pa akong kumain pero hindi ako kumibo buong pagpipilit niya sa'kin. Ilang oras na siguro ang lumipas hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako dito pero nanlumo ako nang nakita ko si Prism at Kylan.


Binalik ko nalang ang tingin ko sa taas bago napakuyom ng kamao. Hindi ako nag-ingay nang lumapit sa'kin sila Prism hanggang sa napabuntong-hininga nalang silang tumahimik.


"Hindi ba dumating?" rinig na rinig ko ang bulong ni Kylan.


"Hindi, eh. Ilang beses kong tinawagan, wala talaga," rinig ko namang sagot ni Neina.


"Where could he be? Doesn't he know what happened?" tanong naman ni Prism.


"Boba, kung alam no'n 'yung nangyari sigurado akong to the rescue 'yon agad," sabi ni Kylan.


"Makita ko lang 'yang lalaking 'yan, pa-isa lang talaga ako ng sapak. Hindi ako makapaniwalang wala talaga siya dito, punyeta."


Tahimik lang akong pinapakinggan ang usapan nila. Humigpit ang dibdib ko at nararamdaman ko na naman ang pamamasa ng mga mata ko kaya napapikit na ako.


"Jan, you're crying again," narinig ko ang pag-alala sa boses ni Prism. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at mahinang hinaplos ang likod ng kamay kong may mga nakatusok na daluyan ng dugo at gamot. Naramdaman kong pinunasan niya ang luhang tumakas sa mata ko. "Jan, stop crying and let's eat. We bought you favorites," masuyong sabi ni Prism.

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon