chapter twenty-one
"Lezus? Is that you?"
Nakita ko ang pagtigil ni Lezus nang nakita ang babae. Kumunot ang noo ko nang lumapit ang babae sa'min. Gulat pa rin ang mukha niya.
"Oh my gosh! Lezus! It really is you! Can't you remember me? I'm Allisa! Your classmate in elementary!" tuwang-tuwa na sigaw niya at lalapit na sana para yumakap nang pinigilan ko siya.
"Matuwa ka lang, walang yakapan," banta ko sa kaniya na agad naman siyang napaatras.
"Oh, I'm sorry," agad siyang napayuko. "I didn't know he has a girlfriend. Don't worry, I'm not a threat."
Tumaas ang kilay ko. "At pa'no mo nasabi?"
"I have a boyfriend," nakangiting turo niya sa lalaking mag-isa sa table.
Napatigil naman ako bago lumingon sa babaeng nahihiyang ngumiti sa'kin. "May boyfriend ka pala, eh! Ba't ka yayakap ng iba? Kalbuhin kita diyan!" iritang sigaw ko, tinatago ang hiya.
Edi wow sa kaniya!
"Baby, calm down," napatigil naman ako sa bulong ni Lezus sa'kin. Hindi nalang din ako nagsalita at tinago ang kilig. "Hi, it's been years," ngumiti siya kay Allisa.
"I can't really believe it! You're here! I didn't hear any news from you after we migrated to Australia," ngumuso siya. "So? How's your cute little sister?"
Napatigil ako sa narinig. Little sister?
Napatingin ako kay Lezus na parang naestatwa. Hindi siya nakapagsalita at nakita ko ang pag-nginig ng kamay niya kaya nikuyom niya ito.
"Lezus, okay ka lang?" hinawakan ko agad ang kamay niya. Nagulat ako nang bigla niyang winaksi ang kamay ko. "Lezus?"
Kahit si Allisa, nakakunot ang noo na nakatingin sa'min. Mukha namang nagulat si Lezus sa ginawa niya sa'kin at agad na lumapit sa'kin.
"H-Hope, I'm sorry. I was... I was just surprised," agad niyang paumanhin sa'kin. "I didn't mean it, I'm sorry," paulit-ulit siyang nag-sorry kaya hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya. Hinarap ko siya sa'kin.
"Hoy! Kalma! Tignan mo 'ko!" nagtama ang mga mata namin. Hindi mapakali ang mga mata niya sa 'di ko malamang dahilan. 'Di ko alam pero kailangan ko na siyang ipakalma. "Hinga," mahinang sabi ko sa kaniya.
"H-Hope..."
Lumingon na ako kay Allisa. "I'm sorry, pero pwede bang umalis muna kami?" tanong ko na agad siyang napatango. Nag-aalala rin ang mukha niya.
"Y-Yeah! Sure, take care."
Agad kong hinila si Lezus papunta sa kotse. Pinapasok ko siya kaya agad na rin akong tumakbo sa kabila para pumasok sa kotse. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
عاطفيةJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...