chapter nine
"Are you sure you're gonna be okay?"
Napatigil ako sa pag-ayos ng buhok ko nang narinig ko ang tanong sa'kin ni Lezus na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Bumalik ako sa pagtingin sa salamin at mas inaayos ang kinulot kong buhok.
Nakasuot lang din ako ng black spagehetti strap dress na hapit sa katawan ko. Nakablack stilettos at naglagay din ako ng konting make-up.
"Ayos lang ako. Kasama ko naman ang mga kaibigan ko," bumaling ako sa kaniya. Nag-aalala ang mukha niya, parang lagi ko nalang 'tong nakikita. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba? Magiging okay ako, 'wag mo kong tignan ng ganiyan."
Umiwas siya ng tingin. "I can't help it. Should I go there with you as well? Just to make sure-"
"Isa pa, itatapon kita sa labas," banta ko sa kaniya.
"I'll take you there and pick you up after. Just that," diin niyang sabi na ikinabuntong-hininga ko.
Tigas talaga ng ulo nito. 'Kala mo jowa eh- 'di, mas malala pa 'to sa nanay ko. Hindi ko rin siya masisisi. Sa mga nangyayari sa'kin ngayon ay mukhang 'di niya nakakalimutan.
Weak mo kasi, Hope. 'Yan ang isipin mo.
"Sige," ang tanging nasabi ko na ikinaliwanag ng mukha niya. "Tara na," sabi ko at kinuha ang purse ko at lumabas na ng kwarto.
Sabay kaming lumabas ng apartment at naglakad papunta sa kung nasaan ang kotse niya. "Are you mad?" tanong niya pagkapasok namin sa loob.
"Hindi," tipid na sabi ko.
"No, you're mad," sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi, okay? Kalma ka diyan."
Ngumiti siya ng maliit sa'kin. "You look beautiful, Hope," malumanay na sabi niya at nakita ko ang pagtitig niya sa'kin.
Hindi ko alam pero parang may sumabog sa loob ng dibdib ko at may naramdaman akong kakaiba sa loob ng tiyan ko. Ang init ng pagmumukha ko ay hindi rin nagpaawat. Bwisit!
Hindi ako nagsalita at umiwas ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napakagat ako ng labi. Natahimik kaming dalawa hanggang sa nagsimula siyang magmaneho. Sinabi ko sa kaniya ang address ng bar na pupuntahan namin.
"I'll call you from time to time. If you don't pick up after three calls, I'll get you out of there," maingat na sabi niya, parang sinisigurado na hindi ako magagalit.
Umirap nalang ako sa kaniya bago binuksan ang pinto. "Sige, bahala ka. Sa katigasan ng ulo mo, kahit pokpokin kita ng martilyo 'di ata magigiba 'yan."
Napanganga siya sa'kin bago napatawa. "That's harsh. Please, don't do that," umirap ako.
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
DragosteJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...