chapter nineteen: happy

9 3 1
                                    

chapter nineteen



"Mahal din kita, Lezus. Mahal na mahal."


Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa'kin, nanlalaki ang mga mata. Mapupula na rin ang magkabilang pisngi niya at dalawang tenga niya. Napansin ko ang pag-kislap ng mga mata niya at biglaang pagbagsak ng mga luha niya.


"Fuck..." bulong niyang mura bago napayuko.


Hindi na ako nagulat nang humikbi-hikbi na siya. My soft Lezus. Kahit ano iniiyakan, eh.


Hinila ko na siya ulit para yakapin at tahimik siyang umiyak sa dibdib ko. Napatawa ako nang naramdaman ko ang pagkapit niya sa damit ko. Ang sarap niyang ihambalos, ba't ang cute niya?


"S-Say it again," rinig kong nauutal na sabi niya. Umiling ako.


"'Yaw ko nga," biro ko.


"Please..." napatawa na ako sa boses niyang parang nagmamakaawa.


Hinalikan ko ang noo niya at linapit ang labi sa tenga niya. "I love you, mahal kita. Ilang ulit pa ba ang kailangan para tanggapin mo 'yon?"


Halos mapasigaw ako sa biglaang paghigpit ng yakap niya sa'kin. Nararamdaman ko nang basa na ang balikat ko dahil sa mga luha niya.


"I-I'm just shocked. I'm more shocked of you telling me you love me than when you suddenly kissed me," tumawa siya. Bigla naman akong tinamaan ng hiya nang naalala ko ang ginawa ko kanina.


"Bwisit ka!" naiinis na sigaw ko sa kaniya, ramdam ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.


"Does this means, tayo na?" bulong niya. Tumaas ang kilay ko.


"Pa'no mo nasabi?! Wala pa akong green signal, ah!"


"Why? You said you love me," rinig ko ang lungkot sa boses niya.


Gusto kong tumawa. Alam kong nakanguso na siya kahit 'di ko nakikita ang mukha niya.


"Okay, sige. Pumapayag na ako. Tayo na. Mahuli ka pa ng iba," umirap ako.


"Really?"


"Bakit?! Ayaw mo ba?! Babawiin ko—"


"Can I kiss you?"


Natigilan ako sa tanong niya. Inangat niya ang ulo niya kaya nagtama ang mga mata namin. "B-Ba't ka pa nagtatanong?"


"Of course," ngumiti siya. "Consent is important."


Sumama ang mukha ko. "So, mali ang paghalik ko kanina sa'yo kasi 'di ako muna nagtanong?" iritang tanong ko sa kaniya na agad niyang ikinailing.


my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon