chapter thirty-two
"Anong karapatan mo at bakit ganito kakapal ang mukha mong magpakita pa dito, Janzyn Holly?"
Gulatantang nakatingin siya sa'kin habang hawak-hawak na ang pisngi niyang sinampal ko.
"Putangina, tumayo ka diyan. Hindi lang isang sampal ang nararapat sa'yong deputa ka," madiin na sabi ko habang nakakuyom ang mga kamao.
"Shet, ganiyan, beh!"
"Kaya love kita, eh! Sige pa! More!"
Hindi ko pinansin ang ingay ng mga kaibigan ko sa likod ko at galit lang na natinignan ang kapatid kong nakaupo pa rin sa sahig.
Dahan-dahan naman siyang tumayo at nakatingin lang sa'kin. Hindi siya nagsalita kaya napatawa ako ng sarkastiko.
"Ano? Pumunta ka dito para titigan lang ako? Punyeta naman," napasinghal ako. "So, ano? Ano naman ang ginawa mo kay Lezus at bakit kailangan abutin mo pa ang lahat sa ganito? Gusto mo ba talaga akong mamatay, ha?! Masiraan ng bait?! Mawala sa katinuan?! Gusto mo ba talaga?!"
"Oo!" sigaw niya na rinig sa buong kwarto. Natigilan ako. "I hate you so much I wish you would die!" nakita ko ang pagkislap ng mga mata niyang nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit pero kumirot ang dibdib ko.
"Putangina, kapatid ba kita?!" nangangalaiting sigaw ko sa kaniya.
"I never considered you as my sister the moment you stepped inside the house with dad! You fucking illegitimate bitch!" galit na galit na sigaw niya sa'kin at lalapit na sana para sampalin ako nang may pumigil sa kaniya.
"You're already the most favored daughter, Holly. Yet you're here to push your sister to the pits of hell. Still not satisfied? If you're really the perfect human being you are, shut the fuck up and leave Jan alone. Walk your talk. You fucking disgust me," galit na sabi ni Prism at nakita kong hawak-hawak na ni Prism ang palapulsuhan ng kapatid ko na winaksi naman agad nito.
"You. Disgust me," diniinan ni ate ang 'you' at galit na tinignan si Prism. "Stop your fucking mouth if you don't know a single thing, stupid bitch."
Hinawi ko agad si Prism at hinarap si ate. "Ano ba talaga ang problema mo?! Hindi pa ba sapat?! Hindi pa ba sapat na nakaratay na dito si Lezus dahil sa mga kahibangan mo?!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya.
Humagalpak siya sa kakatawa. "Bitch, are you seriously blaming me for your bullshits? You're the one to blame! If you're not fucking mental than he shouldn't have been suffering right now—"
Sinampal ko na naman siya. Sa kabilang pisngi. Mas malakas kaysa no'ng una.
"Putangina, magsalita ka pa, itatapon kita sa labas," inayos niya ang buhok niya at tumingin sa'kin. "Sinira mo na ang buhay ko, Holly. Sinaktan mo na ang taong mahal ko. Kinuha mo na sa'kin lahat! Ano pa ba?! Sapat na ba?!"
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...