chapter twenty-four: leak

9 4 1
                                    

chapter twenty-four



"Leave him and give him to your sister. She deserves him more than you do."


Parang may bumara sa lalamunan ko. Nakita ko na ang nakangisi na mukha ni ate bago ako tinaasan ng kilay.


"Hindi," madiin na sabi ko, sinusubukan na hindi magpadala sa mga sinasabi nila.


"Hindi?" ulit ni mama. Tumawa siya ng sarkastiko. "Even this? You won't follow what I tell you? After all I've done for you?"


Galit akong napakuyom ng kamao. "Pa'no mo nasasabi na hindi ko siya deserve?! Ako ang mahal niya! Ako!" sigaw ko. "Hinding-hindi ko siya hihiwalayin para lang sa kaniya!" turo ko sa kapatid ko. "At kung magbibilang ka na ng mga ginawa mo sa'kin, hindi 'yan uubra sa'kin!"


"Mahal? Really? Will he love you enough if he learns how filthy you are?" tanong ni mama na ikinakagat ko ng labi. "He's a Trionte! One of the wealthiest families in America! If he marries with your sister, then—"


"Bakit si ate?! Bakit hindi ako—"


"Are you kidding yourself, little sister? Find yourself another guy to catch. I can have my Lezus," mataray na sabi ni ate. "I told you, he's mine. Leave him alone. You're a whore so you can just do with any guy around town."


Nanginginig na ako sa galit. Nagagalit na ako. Sobra na. Sobra-sobra na.


"Putangina ka!" galit na sigaw ko sa kaniya at tinapon ang basong nakita ko. Rinig ko silang napatili. "Magkamatayan muna tayo bago ko ibigay sa'yo si Lezus. Fucking bitch."


"Gosh! You're really crazy! Mom!" kumapit agad siya kay mama na natatakot na nakatingin sa'kin.


"Bastos! You crazy bitch! Nag-mana ka talaga sa nanay mo! A home wrecker! A psycho! Why can't you just follow her and die already?!"


Bumagsak ang balikat ko sa narinig kong sigaw ni mama. Parang biglang nablanko ang utak ko. Napatango-tango ako. Bigla akong napatawa.


"Right," napangiti ako ng pagak. "Of course, you won't care about my happiness because I'm not your blood," ramdam ko ang bigat ng bawat salitang sinasambit ko. Namamasa na ang dalawang mata ko. Napatingin ako sa kaniya. "Ma, kahit kailan ba ay hindi mo talaga akong tinuring na anak?"


Sinamaan niya ako ng tingin. "Why the hell would I care about a girl from my husband's mistress? Are you out of your mind? You should've died with her!" sigaw niya. "I can't believe my husband loved you when you're wrong in the head!"


"Shut the fuck up!" tinapon ko ang plato kaya nag-ingay na naman ang pagkabasag nito. Napatili na naman si ate Holly. "Stop ruining papa in my head! Hindi siya nagkamaling mahalin ako! Mahal niya ako! 'Wag kayong magsalita ng ganiyan! Mga hayop kayo!" humagulgol ako ng iyak. "Don't say that he should've left me be to die. He loves me, papa loves me."

my hope, my miracle | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon