chapter twenty
"Are you sure you're going to see him now?"
Ngumiti ako't tumango kay Lezus nang nagtanong siya sa'kin. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin bago humarap sa kaniya na naka-gray t-shirt at fitted jeans na halata ang mahahaba nitong legs.
"Yup," sabi ko. "Gusto kong makilala mo ang unang lalaking minahal ko."
Nakita kong pumungay ang mga mata niya at lumapit sa'kin. Hinalikan niya ang noo ko. "Okay, let's see him. I want to pay my respects to the man who brought you to my life," ngumiti siya sa'kin.
Tinulak ko siya. "A-Ano ba? Umagang-umaga nagpapasabog ka agad ng tamis, eh!"
"Is it bad?" humiwalay siya sa'kin.
Inirapan ko siya. "Tama na nga! Tara na!" hinila ko na siya palabas, hindi naman siya nagreklamo.
Sumakay na ako sa kotse niya at kumunot ang noo ko nang may nakita akong mga puting rosas sa back seat at bag ni Lezus.
"Flowers for your papa," rinig kong sabi ni Lezus. "I prepared it in advance. We can't visit empty handed."
Napalingon ako sa kaniya. Parang may kung anong sumabog sa puso ko. Fuck.
Ang saya ko.
Hindi ko napigilan, hinila ko ang leeg niya at hinalikan ko siya ng mabilisan sa labi. "Thank you," mahinang bulong ko.
Natigilan siya at biglang namula ang mga pisngi. Umiwas siya ng tingin. "A-Anything for you," nahihiyang sabi niya.
Napangiti nalang ako bago umayos ng upo. "Okay, alis na tayo!" tuwang-tuwa na sigaw ko.
Hindi na siya nagsalita at nagsimula nang mag-drive. Sinabi ko sa kaniya kung saan ang address ng Memorial Park na kung saan nakalibing si papa. Kumunot ang noo ko nang natigilan siya pagkasabi ko no'n.
"Bakit?" tanong ko. "May kilala ka bang taong nakalibing din do'n?" hindi siya muna nakapagsalita at nakita ko ang paghigpit niya ng paghawak sa manibela. "Hoy, ayos ka lang? Masama ba pakiramdam mo? Pwede naman tayong bumalik," nag-aalala na ako.
Nataranta siyang napatingin sa'kin bago ngumiti't umiling. "I-I'm fine, Hope. I just remembered something," nauutal na sabi niya at tumahimik.
Kahit nalilito ako kung bakit bigla siyang nagka-gano'n pero hindi na ako nagtanong. Mukhang hindi rin naman siya magsasalita. Pinagmasdan ko nalang siyang na kagat ang labing nakatingin sa harapan.
Nang nakarating na kami ay nauna na akong lumabas at binuksan ang pintuan ng backseat. Ako na ang nagdala ng mga puting rosas na naka-bouquet at kinuha naman ni Lezus ang bag niya.
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...