chapter fourteen
"Putangina! Seryoso ka ba?!"
Inis akong lumingon kay Neina dahil sa pag-sigaw niya. Nasa cafeteria kami ngayon, as usual, pinag-uusapan ang nangyari noong nasa dagat kami ni Lezus.
"Kakasabi ko lang 'di ba?!" irita ko namang sigaw sa kaniya.
"What happened? Did she do anything to you? Hurt you? Threatened you? What—"
"Kumalma ka nga, teh!" pigil naman ni Kylan kay Prism na sunod-sunod nang nagtatanong.
"I am calm!" depensa agad ni Prism.
"Weh?" ngumiwi si Neina. "So, teka, balik tayo kay Pag-asa," lumapit sa'kin si Neina. "Ano? Nagkita kayo tapos? Anong sinabi ng impokritang babaeng 'yon?"
"Sabi niya kung masaya ako ay masaya rin siya," sabi ko na ikinalaglag ng panga nilang lahat. Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko sila.
"Putangina! Ano 'yan? 'Wag mong sabihin sa'kin maniniwala ka sa mga talkshit na 'yan?! Pagkatapos ng nangyari noon?! Aba, masokista ka!" rekta agad ni Neina.
"Biglang bagong-buhay? Duda ako sa mga ganiyan, sis!" sabi naman ni Kylan.
"But she saw you with Lezus, right?" natigilan ako sa tanong ni Prism.
"Hala, oo nga! Ano naman sinabi niya?"
"Wala naman," ang tanging nasabi ko na ikinangiwi nilang lahat. "Totoo naman!" depensa ko agad. "May mga ilan lang siyang pinagsasabi na hindi raw ako natututo, gano'n. Pero mukhang alam na niya ang kay Lezus dahil kila Krissy."
"'Wag mo ngang sabihin ang demonyong pangalan na 'yan! Nanginginig ako sa pandidiri! Punyeta!" umirap ako.
"Despite her change of colors, you should still be wary. You don't know if she's sincere or not, it won't harm you to be cautious," paalala naman sa'kin ni Prism. Ngumiti nalang ako at tumango.
Sana naman ay nag-bago na siya. Siya lang ang nag-iisa kong ate, kahit ano naman ang nangyari noon ay kadugo ko pa rin siya. Napailing nalang ako sa naisip ko.
'Wag ka nang maging tanga, Hope. Nakakasuka.
"Hope?"
Agad akong napalingon nang may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Lezus na may hawak-hawak na pagkain. Nakangiti siya na parang nakakagaling ng sakit pag nakikita mo. 'Yung pagnining-ning sa paligid niya ay nakikita ko rin. Umirap ako.
Ang pogi niya.
Lumapit siya sa'kin kaya umiwas si Prism. "Here's your lunch," sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...