chapter twelve
"I'm Eonna Zeraphyne Trionte, Kirion's older cousin."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pinsan? Nakangiti siya sa'kin na parang anghel na ipinadala ng Diyos sa'min. Ang ganda nga niya pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya kanina.
Nakakaputangina.
Hindi ako nagsalita at umiwas ng tingin.
"I guess she's still not over it," rinig ko pang sabi niya.
Ramdam ko pa rin ang paghigpit ng dibdib ko kahit hindi naman pala 'yon totoo. Parang bigla akong natakot. Parang gusto kong umiwas at tumakas. Hindi ko gusto na ginawa niyang biro 'yon. Parang nakakawasak ng pagkatao.
"Of course, she's still not over it. You played with her delicate emotions. You are a threat for her well being," napalingon ako kay Prism na galit na nakatingin kay Eonna.
Lumayo naman si Eonna sa'kin at umayos ng upo. "I know, I know. I already said my sorry, okay? I wasn't aware. How would I know about it? You don't have to worry, Hope. My cousin right here is damn loyal than our family dog. He's best trusted," nakangiting sabi sa'kin ni Eonna bago nawala iyon. "But if you'll hurt my cousin with no proper reason, I'll be the one to break your bones. I'm dead serious."
Napahigpit ako ng kapit sa tuhod ko dahil sa sinabi niya.
"Zera," rinig ko ang banta ng boses ni Lezus.
"Geez! I said what I said! I'm going to your room!" sigaw ni Eonna bago umalis sa harapan namin at lumabas.
Naramdaman ko ang paglapit sa'kin ni Lezus. Ang maingat niya na paghawak sa dalawang braso ko na parang kahit konting tulak lang ay mababasag ako. Napakagat ako ng labi.
"I'm sorry, Hope. I'm sorry. I didn't know she was coming here. It doesn't look like it but she's even way older than me. She's a little protective of me I guess that's why she did that. Please, understand," mahinang bulong niya sa'kin. "I don't have any finaceé or anything. I only have you. Ikaw lang," napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin.
Nakita ko ang pamungay ng mga mata niya at ngumiti ng konti. Inabot niya ang mukha ko at mahinang hinaplos ang pisngi ko.
Hindi ko alam pero biglang may bumagsak na luha galing sa mata ko. "N-Natakot ako..." nautal kong sabi na ikinataranta niya.
Napapikit ako at napahikbi. Bigla niya akong hinila papayakap. Naamoy ko bigla ang pamilyar na perfume niya. Ang init ng yakap niya at ang pamilyar na mga bisig na tanging nagpapakalma lang sa'kin.
"Hope..."
Yumakap ako pabalik sa kaniya. Hinigpitan ko ito na parang hindi ko siya gustong bitawan. "Malapit na akong maniwala, Lezus. I'm sorry kasi ang dali kong masira. Pero, pinagbuksan naman kita 'di ba? Ginawa ko naman ang tama 'di ba? Hindi kita tinulak papalayo," humihikbing sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/228240470-288-k695085.jpg)
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
Roman d'amourJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...