chapter thirty-seven
[warning: slight mature scenes below :))]
"Lezus! Ano ba?! Bilisan mo na!"
Irita ko pang kinatok ang pintuan ng banyo kasi ang tagal niyang maligo. May pupuntahan kami ngayon tapos parang uugod-ugod siyang gumalaw.
"Baby, I just entered!" umirap ako.
"Eh, ano naman?! Bilis!"
"Roger! Roger! Be out in a minute!" agad niyang sigaw.
Nilubayan ko na siya at napaupo nalang sa kama habang naghihintay. Pupunta kami sa mall para mamili ng bagong wallpapers para sa kwarto namin. Wala, naeexcite lang ako kaya pinapabilisan ko siya.
Ilang taon na rin ang lumipas at mukhang tahimik pa rin ang buhay namin. Last year na sa college at ilang buwan nalang ay ga-graduate na rin kami.
Natigilan ko na rin ang medications ko recently. Noon, regularly akong pumupunta sa psychiatrist kasama si Lezus. Mabuti naman at naging stable na rin ako. Hindi na rin ako nagigising sa gitna ng gabi dahil sa mga bangungot. Minsan naiiyak ako na walang dahilan at walang ganang harapin ang lahat pero sinamahan naman ako ni Lezus sa lahat ng 'yon.
He was my comfort zone. My cloud nine. My own human medicine.
Until now.
Walang nag-bago. Kung mayro'n man, siguro mas lumala pa ang kalandian ni Lezus. Tapos hiwa-hiwalay na kami ng schools ng mga kaibigan ko, maliban kila Neina at Kylan. Simula noong una ay hindi na sila mapaghiwalay. Tourism ang kinuha nilang dalawa, eh.
Si Prism, sinabi na rin niya sa wakas sa'min na sila na ni Oliver. 'Di ko alam kung pa'no nangyari pero masaya naman ako para sa kanila. Nakakairita lang talaga ang mukha ni Oliver. Sarap ibalibag.
Nasa medical field si Prism kasi family of doctors sila. Sinabi naman niyang gusto niya rin itong kunin at hindi naman siya pinilit ng mga magulang niya.
Kami ni Lezus, going strong pa rin sa awa ng Diyos. Charot.
"Baby, tapos na ako," napatigil ako sa pag-isip nang narinig ko na si Lezus. Napalingon ako sa kaniya at nakatapis lang siya ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya. Inirapan ko siya.
"Okay, maliligo na ako," tumayo na ako sa pagkaupo at nang nadaanan ko siya ay mabilis kong hinila ang tuwalya niya at agad na tumakbo papunta sa banyo.
"What the— Janylla Hope!" agad na sigaw ni Lezus at mabilis na kinuha ang tuwalya na nahulog para suotin ulit 'yon.
Humagalpak agad ako ng tawa nang nakita ko ang pwet niya sa likuran. Ngumuso siya nang maayos na siyang humarap sa'kin.
BINABASA MO ANG
my hope, my miracle | completed
RomanceJanylla Hope gave out countless rejections at Lezus Kirion, the guy who chased her for unknown reasons. She cleared the fact that they can't be together, that she already wanted him to stop and leave her alone... but Lezus was a hard-headed softie t...