CHAPTER 17
"Bakit naman gan'yang kalaki ang pasa mo, Hija?" Tanong sa akin ng magandang nurse na ngayon ay nilalagyan ng puting tela ang mga sugat ko, kanina niya pa ako tinatanong nang kung anu-ano, ngunit hindi ko siya masagot sagot, dahil ang isip ko ay nakay Hell.
Kung boy friend ko raw ba ang lalaking nagdala sa akin dito, kung gaano na kami katagal at kung ano'ng gusto niya sa babae.
Lahat 'yon ay sunod sunod ngayon itinanong sa akin ng hindi man lang ako nakakasagot, at hanggang ngayon ay iniisip ngayon magboyfriend girl friend kami ni Yi.
"Bagay na bagay ka'yong dalawa." Sabi nito sa akin at inilagay ang kamay ko sa aking hita. Napapikit nanaman ako ng hindi pa rin tapos ang iniisip niya tungkol sa aming dalawa ni Yi.
"Hindi po kami, kami." nanlaki ang mga mata nito at nagtutungo-tungo na parang masaya siya sa mga naibangit ko sa kanya."Kung gano'n ay hindi kayo mag-boy friend-girl friend?" Tanong niya muli sa akin. Hindi ko alam pero inis talaga ako sa mga taong pilit inaalam ang buhay ko at gusto manghimasok kaya naman ang tanging naisagot ko lang ay ang pagtalim ng mga mata kong titigan siya.
"Sayang pero bagay talaga kayo." Malungkot naman ngayon na aniya. Alam ko na ito at hinihintay niya lang sabihin ko ang mga tipong babae ni Yi, pero kahit sabihin ko pa iyon sa kanya ay wala rin saysay iyon, dahil ang mahal ni Yi ay si Mavie.
"May boyfriend na po ako." Napangiti ako nang maalala ko si Hell, ngunit gumuhit ang inis ko nang maalala ang nangyari sa kaniya. Pinahubad niya ako at ang tanging nakasuot na lamang sa akin ay ang bra ko. nasa isang kwarto kami ngayon at nilalagay nang kung ano ang pasa ko sa likod na hinampas ng batuta.
"Bakit naman ganito ang nangyari sa 'yo?" Tanong nito sa akin at naramdaman ko ang sakit ng parang madiinan niya ito. "Bakit ba ang dami mong tanong?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon sa pinto. Gayo'n ko lamang naalala na wala nga pala akong damit at tanging bra lamang ang suot ko.
"Jusko! Hindi ka pwede dito!" Sigaw ng Nurse, ngunit hindi siya nito pinakinggan. Pasalamat na lamang ako at nakatalikod ako mula sa pinto at nakaupo sa kama.
"Who cares?" rinig kong sabi niya. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan ngayon, dahil sa pagod at sakit. Nasalubong ng mga mata ko ang lalaking umupo ngayon sa harap ko.
Umupo siya nito sa upuan na katapat lamang ng aking kama.
Tinakpan ko ng aking kamay ang aking dibdib, kahit naka bra ako ay kita pa rin ang aking bilog na dibdib. Kung hindi lamang ako nanghihina ay nasigawan ko na ito sa sobrang pagkainis ko, ngunit ngayon ay hindi ako makakilos at makapagkwento kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan at palabasin.
Tahimik lamang ito nakatitig sa akin na para bang inaalam ang kalagayan ko. Alam kong gusto nito magtanong sa akin, ngunit hindi nito magawa.
Hindi matago ang pagkailang ko, dahil sa kung ano'ng sitwas'yon namin ngayon. Hello! Naka bra lang ako!
"Akala ko ba ay hindi mo siya boy friend?" Tanong sa akin ng nurse na ngayon ay inaayos na ang benda sa likod ko. Bakit nito bebendahan ang pasa ko? May sugat ba iyon? Nagtatanong ito sa akin sa paraan na pabulong lamang at ramdam kong tumingin ito kay Yi.
"Hindi ko nga po siya-Ouchh..." Napahawak ako bahagya sa likod ko nang bigla ko itong nilingon. Napapikit na lamang ako ng marahang maramdaman ko ang sakit at kirot. "'Wag ka muna magpwersa, medyo malala ang mga natamo at natamaan ang mga muscles mo. Magpahinga ka muna." Pagpapa alala nito sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo rin sa kama at sinilip si Yi saka tumingin muli sa akin.
"Are you done?" Tanong ni Yi sa nurse na ngayon ay napalunok na lamang at lumingon muli na para bang nagtatanong. "He's not my boy friend," Dahan dahang sabi ko at tinignan ito. Kinuha ko ang aking damit sa tabi ko at saka ito sinuot.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
ActionHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...