CHAPTER 21
"Hindi po ba talaga pwedeng lumabas, kuya?" Pagpipilit ko mula sa guard ng school, dahil kailangan ko na talaga makita Hell.
Baka nagtatampo na iyon sa akin at kailangan ko siya makamusta. Ngayon ay nandito ako sa may gate namin at kinakausap ang guard. Halos magmakaawa na nga ko sa kagustuhan kong makalabas, ngunit hindi ako nito pinapayagan, dahil siya naman nga raw ang lagot pag may nangyari sa aking masama.
"Sige na, Kuya! Nasa ospital kasi ang boyfriend ko, e!" Pagmamakaawa ko pa ngunit kinuha nito ang telepono niya. "Sasabihin ko 'to sa guidance kapag hindi ka pa umalis!" Iritableng sabi nito sa akin kaya naman ay wala akong nagawa kun'di ang umalis na lamang.
Naglakad na 'ko paalis, dahil sa sobrang badtrip ko, ngunit isa na lang talaga ang naiisip ko. Over the bakod!
'Yan ang naiisip ko, ngunit napakataas ng pader na iyon! Pero hindi pwede! Kailangan ko gawin ito para kay Hell! Ayon ang nasa isip ko habang naglalakad ako papunta sa building nila Hell, dahil ang mula sa second floor no'n ay kaunti lang ang layo ng pader mula roon.
Nasa klase naman ang mga istyudante kaya hindi ako nito mapapansin. Doon ako dadaan sa cr ng mga babae. Lahat ng cr dito ay may bintana kaya naman doon ako dadaan. Delikado nga lang iyon.
'Yan ang aking balak ng saktong pagdating ko sa building nila ay takbo akong pumunta sa banyo.
Ito na! Ngunit pagpasok ko ay nanlaki ang mga mata ko. Bakit ang daming tao?! Kaya naman kinalabit ko ang isang babaeng naghuhugas ng kamay.
"Hi! Excuse me, ano kasi... break time niyo ba?" tanong ko sa kaniya, dahil iilan ang mga babaeng narito. Hindi naman sila mukhang nag-cutting, dahil hindi naman nila gugustuhing mag-skip ng class at tumambay sa banyo, 'di ba?
"Wala kasi Teacher naming," Sabi nito sa akin at kumuha ng tissue mula sa gilid ko. Hihintayin ko ba sila na umalis? Pero magtataka naman sila, kung naandito lang ako sa loob ng banyo baka sa gano'ng paraan ay isumbong nila ako.
Nanlumo akong bumaba mula sa building na iyon. Bakit naman ayaw nila akong papuntahin sa boy friend ko? Napatingin ako kabuuan sa aking dinaanan ng maisip na ito ang laging dinaanan ni Hell.
Nagningning naman aking mga mata nang isipin kong hinawakan niya kaya ang bakal na ito mula sa hagdan pagaakyat siya at bababa?
Napabungisngis ako...
"Nababaliw na siya..." Nawala ang ngiti ko nang may paakyat na dalawang babae na ngayon ay lumalayo sa akin, dahil sa parang iniisip nila na baliw na 'ko. Napapikit na lamang ako sa hiya, dahil sa aking ginawa pero hindi ko iyon matago, dahil totoo naman akong kinikilig talaga!
Nang makababa ako ay napahinto na lamang ako nang makita ang classroom sa tabi ng hagdan na kung saan doon ko nakita si Yi at Mavie.
Kung saan doon naglahad ng nadarama si Yi para kay Mavie, ngunit sa masamang palad ay hindi siya nito mahal. Kung tutuusin nga ay bagay sila, dahil parehas din silang masama at magaspang ang ugali.
Inalis ko ang tingin ko roon at saka tumingin sa daanan.
Ito! Ito ang laging dinadaanan ni Hell at doon naman ako lagi nag-iintay sa kanya. Napangiti akong muli nang maalala ko lahat ng kagagahan ko simula nu'ng unang una ko siya nakita. Mula sa pagbato sa akin ng bote niya, mula sa pag-ipit ko ng kamay niya, dahil 'yon ay kasalanan niya kung hindi ko iyon nagawa ay baka nasubsob na ang mukha ko sa sahig na mas lalong nakakahiya!
Mukhang mag-iintay na lang talaga ako ng mag-uwian, dahil hindi ko na alam talaga kung saan ako dadaan.
Pumunta ako sa gilid kung saan doon ko hinila si Hell upang magtago kami kila Mavie at Yi. May halong lungkot kong ginawa muli ang pagkakadikit ng aking likod mula sa pader, kung paano ako ganunin ni Hell. Kung paano niya ako corner-in sa mabilis na segundo.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
ActionHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...