Chapter 32

1.8K 79 9
                                    

CHAPTER 32

NAMULAT ko ang aking mga mata nang tumama sa akin ang silaw ng liwanag na nagmumula sa araw.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya nang makitang nakatingin ito sa akin. Gising na pala siya. "May masakit ba sa 'yo?" Pahikab na tanong ko, habang nag-uunat ako. Nakatulog pala ako sa gilid ng kaniyang kama. "Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko muli sa kaniya, ngunit gano'n pa rin ang ibinibigay niya sa akin.

Tingin lamang ang sagot nito sa akin. Napatingin ako sa wall clock nito ng alas-syete na pala ng umaga. Nasapo ko ang aking noo nang maalala ko si Hell. Kahit walang paki iyon sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang hindi siya isipin.

Hinawakan ko ang kan'yang noo at doon ko napansing mababa na ang lagnat nito, hindi katulad kagabi. Inihanda ko ang kan'yang almusal at gano'n ko na lamang siya pinainom ng gamot nang matapos siyang mag-almusal.

"Magpahinga ka na muna r'yan. Babalik ako mamaya at pupuntahan ko muna si Hell." Inaayos ko ang kan'yang kumot. Napatingin ako sa kaniya nang manlaki ang aking mga mata. Malapit lang ang kan'yang mukha sa akin.

Nakatingin siya sa'king mga mata at doon ko napansing napalunok ito. Napapikit-pikit ako saka ako mabilis na tumayo. "Papaalalahan ko si Manang na puntahan ka rito para sa pagkain mo. Please lang, Yi at 'wag mong sisigawan si Manang, Okay?" Pagpapaintindi ko sa kaniya saka kinuha ang planggana sa gilid, ngunit tingin pa rin ang kan'yang ibinibigay nito sa akin.

Ano na? Natuyuan na ba utak ito?

Agad akong lumabas ng silid niya saka naligo sa kwarto ni Nellisa. Wala na ngayon si Nellisa, mukhang pumasok na sa school kaya naman ay ako lang itong narito sa kan'yang kwarto.

Saglit nang makaligo ako ay agad akong nagbihis at madaling bumaba sa kusina upang sabihan si manang ng kan'yang gagawin. Bakas sa mukha niya ang pagkatakot nang sabihan kong ipasok na lang sa kwarto ni Yi ang pagkain nito. Pinaintindi ko naman kay manang kaya naman ay kagat pa rin nito ang kan'yang labing tumungo-tungo sa sinabi ko.

Mabilis akong nag-book ng uber, dahil hindi naman ako makakalabas dito sa kadahilan na walang akong kotse o bike man lang. Ilang saglit pa ay nakarating na rin ang hinihintay ko kaya naman mabilis niya itong pinaandar patungo sa ospital.

Pagbukas ko ng pinto ng kan'yang kwarto ay tumambad sa akin ang lalaking nakatayo at nakatingin sa bintana. Pinagmamasdan ang liwanag ng araw mula rito. Ang kabuuan ng kaniyang likod at napaka-gwapo tignan, kahit sino ay mahuhulog talaga sa kaniya, dahil likod pa lang ay yummy na!

"Bakit ngayon ka lang?" Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita siya, kahit nakatalikod siya sa gawi ko. Alam niyang ako iyon? Gano'n ba kalakas ang pakiramdam niya? "Hindi ko alam na hinihintay mo pala ako," Pang aasar ko sa kaniya. Napangiti naman ako nang isiping kong hinihintay niya pala ako kahapon. Humarap ito sa akin, kahit malayo ang pagitan namin ay feeling ko napakalapit lang namin sa isa't-isa.

"Tsk..." 'Yun na lamang ang narinig ko at ika-ikang bumalik sa kan'yang higaan. Agad naman akong lumapit sa kan'ya saka niyakap ang kan'yang bewang na ikanabigla niya. Dahan-dahan ko siyang tinulungan sa paglalakad papunta sa higaan niya. Ang tainga ko ay nakatutok sa gilid ng kaniyang dibdib, ngunit dinig ko ang malakas nitong pagtibok.

Saglit lang nang makaupo na ito sa higaan niya at dahan-dahang humiga. Inayos ko ang kaniyang kumot.

"Sino kasama mo kagabi rito?" Takang tanong ko sa kaniya, ngunit sinamaan lang ako nito ng tingin. "May nakikita ka ba rito?" Pamimilosopo nanaman niyang sagot sa akin. Kahit kailan talaga ang isang 'to.

Ilang saglit pa ay pumasok ang isang doctor, saka ako nito binati.

"Since stable naman ang lagay niya ngayon ay pwede na siyang iuwi kinabukasan." Tango-tango akong nakikinig habang sinasabi iyon ng doctor, habang si Hell naman ay nakapikit lamang, ngunit alam kong nakikinig ito sa sinasabi ng doctor. "Sige, Doc. Thank you, po..." Bigay galang kong saad saka tinignan si Hell. "Love, bukas pwede ka na raw umuwi." kwento kong sabi sa kaniya, ngunit agad itong dumilat at tinignan ako.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon