CHAPTER 42
DAHAN-DAHAN ko itong nilapitan nang makapasok ang buong katawan nito sa kwarto ni Hell.
Aminado akong may bahid ang puso ko ng takot ngunit mas nangingibabaw ang galit, dahil sa kadahilanang gusto niya gawin sa amin o hindi kaya ay kay Hell.
Ang dahang dahan na pagpunta ko sa kaniyang likod ay hindi niya man lang naramdam. Dahan-dahan at walang halong ingay ang pag-apak ko sa sahig na kung ang iba ay kahit apakan nito ay maririnig mo ang yapak tulad ng lalaking ito.
"Kailangan mo mamatay," Iyon ang maliit na boses niyang aking narinig. Kailangan mo mamatay? Hindi ba't siya ang taong aking dapat tutulungan ngunit ako mismo ang papatayin niya? Hindi kaya ako ang pakay niya?
Nagsisimula nanaman ako magtanong sa aking sarili kung sino nga ba ako noon.
Sino nga ba ako noon?
Hindi ko hinayang makalapit ito kay Hell ng agad ko itong sinikuhan sa batok na kaagad niya naman ikinawalan nang malay.
Hindi naman pala mahirap ang isang ito, naiisip ko kung paano niya ako papatayin ganoong hindi naman siya marunong dumipensa sa kaniyang sarili.
Bago pa ito mahulog ay agad ko itong hinawakan upang saluhin ganoon din ang kaniyang kutsilyong hawak na agad kong nasalo bago pa ito mahulog sa sahig. Ayokong magising si Hell at mag-alala. Hawak-hawak ko ang kaniyang leeg habang nakatalikod ito sa akin at dahan-dahang inilabas.
Dahan-dahan ko rin itong sinarado ng alam kong hindi magigising si Hell.
Napatingin ako sa kaliwa't kanan kong gawi ng isipin kong mayroon bang tao upang humingi ng tulong ngunit nang maalala kong hindi pala ito ligtas na bahay ay agad ko itong hinila at dinala sa isang silid na hindi ko alam kung kanino.
Dahil wala namang tao sa silid na iyon ay doon ko siya ibinalibag. Wala pa rin itong malay ngunit bago ko pa hayaang mag-kamalay ito ay itinali ko na ito sa upuan gamit ang kumot sa igaan. Doon ko nasiguradong walang tao rito sa kwartong ito ng ma-isip kong guest room lamang ito.
Kailangan mo mamatay...
Papatayin mo ang pamilya ko kung hindi ka mamamatay...
Papatayin mo kami...
Bakit ka buhay?
Naalala ko muli ang kaniyang mga sinabi nito nung una niya akonang makita. Mabilis akong napatingin sa gawi niya habang nakayuko pa rin ito at walang malay.
Hindi kaya't isa siya sa nakakaalam kung sino ako noon?
Hindi kaya at isa siya sa pumatay sa mga magulang ko? Agad akong napalunok ngunit sa puso ko ay bumubuhos ang galit. Mayroon sa puso ko ang hindi makapagpigil sa gusto kong gawin ngunit hinayaan ko muna ang isip ko. Hindi pwe-pweding gawin ko ang isang bagay na alam kong hindi maganda lalo't nasa pamamahay ako ng mga Anderson.
Marain ko siyang tinignan at pinilit alalahanin kung mayroon ba akong makikita o maalala ngunit....
"Ipikit mo lang ang mga mata mo... Naandito lang ako anak..."
Just close you're close eyes...
You'll be alright...
You and I be safe and sound....
"Hindi! Ahh!!" Halos sumakit ang ulo ko at ganoon na lamang ang pagtulo ng mga luha ko ng ang hulinang makita ko ay ang mukha ni mama. Ang kantang 'yon! Ang kantang huling narinig ko habang kasama ko si mama at iyon ang huling nakasama ko siya!
"Ahh!" Isang malakas na suntok ang na bigay ko sa kaniya na agad naman itong tumilapon sa sahig habang nakatali pa rin ito. Alam kong may alam siya! Alam kong may alam siya sa mga nangyayari! Sa mga nangyari! Ang galit sa loob kong hindi mapigil ng isipin ko ang huling salitang ibinigay ni mama. Ang huling salitang maliwanag at narinig nang mga araw na iyon!
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AçãoHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...