Chapter 50

1.8K 57 2
                                    


CHAPTER 50

LUMIPAS ang ilang araw ng paghahanda namin ni kuya para sa aming grand showdown para sa mga Anderson. Ipapamalas ko sa kanila ang sakit ng ginawa nila sa akin at sa pamilya ko. Aasintahin ko ang mga bunbunan nila ng pana ko.

"Kasim, kinagagala ulit kitang makita." agad niya akong nginisihan ng tila naalala ang aking ginawa sa mga kasamahan niya. Madaming tauhan ang Castraquir at tila umiikot pa rin sa buong mundo. Malawak pala ang orginasyong ito tulad ng inaasahan ko.

"Magandang umaga sa 'yo, Fury, batid kong naaalala mo ako." ngumisi ako bahagya at dumikwetra sa aking upuan mula sa malaking building na ito ng Castraquir.

"Hindi ko akalaing isa ka sa mga walang kwentang gunners ng aking ama." natatawa kong sambit sa kaniya nahindi niya ikinatuwa. "Huling pagkakaalala ko ay tumakas ka sa akin nu'ng araw na iyon." bahagya nanaman akong natawa.

Agad gumalaw ang kanyang panga at mariing tumitig sa akin.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" asar na tanong nito sakin ngunit agad ko siyang pinagtaasan ng kilay dahil sa kaniyang inasta.

"Nag-iisa lamang ako no'n ngunit napakalampa at walang kwenta ng mga hawak mo, Kasim." kapag naalala ko nanaman iyon ay natatawa na lamang ako sa kanila.

"Sinisira mo ang pangalan ng Castraquir." inis na sambit ko ngunit may ngiti sa mga labi ko habang sinasabi ko iyon sa kaniya. Tila nawala ang angas sa kaniyang mukha ng makuha niya ang tono ng pananalita ko.

"F-fury..." akala niya ay hindi ko alam? Natatawa akong tignan siya habang siya ay hindi malaman ang gagawin.

"Kilala mo ako noon pa lang bilang isang Castraquir ngunit ginusto mo pa rin ako pabagsakin. Bakit kaya? Dahil iyon ba ang gusto ng kliyenteng hawak mo? Ang patayin ako? Tandaan mo, Kasim, isa ka lang Gunner sa Castraquir, isa ka lang na tiga hatid ng baril at armas sa Castraquir at illegal kang tumanggap ng kliyente at nagpanggap na Keeper?" natawa ako bahagya at tinignan siya ngayon na halos pawis na pawis at kinakabahan.

"Tandaan mo, Kasim, na isa akong Keeper. Marami akong nalalaman at tandaan mo ang lahat nang hindi sumunod sa batas ng Castraquir ay nawawala sa lupa at dinadala sa impyerno. Sa tingin mo? Ano ang gagawin ko kung ang kliyenteng hawak ko ngayon ay pinapapatay ang Leodora Kasim at Santisa Kasim? Ano kaya ang gagawin ng isang Polando Kasim? Huh?" mabilis itong lumuhod sa harap ko.

"'Wag, please, Fury! 'Wag mong idamay ang pamilya ko." ikinikiskis niya ang kaniyang palad habang nagmamakaawa sa akin ngunit tila hindi ako natinag sa ganiyan.

"Sabihin mo sa akin kung sino ang kliyente mo, Kasim." ngunit hindi pa rin ito nagsasalita at tila natatakot kung sasabihin niya ba iyon sa akin o hindi.

"Kumusta, Franco, ipakita mo nga kung nasaan ka ngayon?" agad tumingin sa akin si Kasim at nanlaki ang mata sa ipinakita ko sa kaniya mula sa aking telepono. Ang harap ng bahay nila.

Naroon ang galit sa kaniyang mata nang mabilis niya akong pasadahan ng kutsilyo ngunit agad ko na siyang nabaril sa braso kaya't agad itong bumagsak sa lapag.

"Hay nako..." inikot ko ang aking mga mata at tila na boring sa kaniyang ginawa. "Ang tatanga niyo talaga." agad kong tinawagan ang mga tauhan at mabilis na kinuha si Kasim.

"Magkikita pa t-tayo..." halos banta niya sa akin na ikinatawa ko at kunyaring itinutok ang baril sa kaniya na ikinagulat niya saka ko siya itinaas na akala mo binaril.

"Bang..." saka ko siya tinawanan dahil natakot siya sa ginawa ko.

Mabilis lumipas ang araw mula sa paghahanda namin. Kailangan namin ng sapat at malalakas na tao gayong alam ko naman kung gaano kalakas ang mga hawak ng Castraquir ngunit iba ang bilis ng Kazu kung ikukumpara sa lakas ng tauhan namin.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon