CHAPTER 11
"Oh, bakit namumula 'yang pisngi mo?" pagpasok ko pa lamang ng bahay ay ayon ang salubong sa akin ng kuya ko. Tinignan ko ito at kita sa mata nito ang pag-aalala.
"Wala, Kuya. Naglaro kasi kame ng volley ball sa mukha ko tumama 'yung bola." pagsisinungaling ko, pasensiya na kuya hindi ko gusto magsinungaling sa 'yo, kaso ayoko na mas lalo ka mag-alala pagnalaman mong na-kidnap nako at nasampal ng tray...
"Sige na kumain ka na may aasikasuhin lang ako..." saka umakyat sa taas. Naawa na ako sa kuya, dahil lagi na lang sa trabaho ang inaatupag nito. Ni hindi niya na matuunan ng pansin ang kanyang sarili.
Ayaw niya bang magka-love life?
Diretso akong pumunta sa kusina at kumain. Nilalantakan ko ang pagkain habang iniisip ang mga nangyari kanina, bukod sa nahampas ako ng tray sa pagmumukha ay inisip ko ang babaeng pamilyar na sa akin.
Nakita ko na siya talaga, e. Hindi ko lang alam kung saan pero natatandaan ko siya.
bakit naman niya ko hinampas ng tray?
Isa ba siya sa mga naging ex ni Hell? Ano kinalaman niya kay Hell? Bakit siya magseselos sa akin?
Napikit na lamang ako bahagya at sinimulan muli ang hapunan.
Naalala ko si kuya, kumain na kaya ang isang iyon? Panay trabaho ang inaatupag.
"Love..." mahinang bigkas ko bago ako sumubo ng kanin ng nakangiti. Halos maghugis ang mata ko ng puso ko dahil sa kilig!
"Nakakakilig naman!" maalala ang ginawa ko sa kaniya, dapat diniretsho mo na sa labi! Mali ang ginawa mo, Stacy, e! Ang bagal mo!
"Oh! Kuya aalis ka nanaman?" takang tanong ko ng makita ko si kuya na palabas ng pinto , kita ko ang gulat dito.
"Ano... may aasikasuhin lang ako," sabi nito. Mukhang hindi ito nagsasabi ng totoo.
"Totoo?" pagtatanong ko dito kita kong lumunok ito. Hindi ka talaga marunong magsinungaling.
"Babae 'yan 'no?!" tanong ko sa kanya na mas lalo pang lumakas ang tinig ko ngunit gano'n na lamang ang pang lalaki ng mata niya sa sinabi ko.
"Yes! Hindi bakla si Kuya!" pagpapalakpak ko pang sabi saka lumapit sa kanya at inakbayan ito dahil sa tuwa.
"Akala ko kasi talaga Kuya ay bayot ka na, e. Allergy ka sa babae. Akala ko talaga bakla ka na."
Halos masayang pagkekwento ko ngunit pagtingin ko nal amang sa kanyang mukha ay masama ang tingin nito sa akin.
"Akala ko lang naman! Ouch! Kuya!" pingutin ba naman ang tainga ko! "Anong bakla?" tanong nito at tinanggal ang paghahawak nito sa tainga ko.
Agad naman akong nguso sa kanya at hawak-hawak ang tainga kong piningot nito.
"Tss.. ang dami mong sinasabi sa kumpanya ang aayusin ko." Dagdag nito at umalis ng bahay. Sinungaling 'di naman totoo!
Napataray na lamang ako at dumiretso sa kusina ulit at ubusin ang kinakain ko.
"Love..." natatawa talaga ako pagbinabanggit ko ang love na iyon, naalala ko Hell.
Alam ko na! Kukulitin ko na lang ito bukas! Bakit kaya ako ang pinagkamalang girl friend ni Hell? Hindi kaya ay sinabi niya na ang girl friend niya ay ang magandang babaeng medyo chinita at maputi at pangalan ay Stacy?
Omg!
Agad kong tinapos ang kinakain ko at umakyat sa taas upang magpalit ng damit at magpahinga.
Ngayon ay nag-iintay ako sa building ng KAZU , dahil syempre uulitin ko pa ba? Gusto ko makita si Hell.
"Bakit narito pa rin siya?" Dinig ko ang bulungan ng iba.
"Hindi pa ba siya nadadala?" Dagdag ng isa pa.
"Tss... ang kapal talaga ng mukha!"
"Baka siya talaga ang girl friend ni Hell," ani pa ng isa kaya naman ay napatingin ako sa gawi ng nagbubulungan at kita kong nakatingin sila sa akin at umiwas ng tingin. Ako nga ang pinaguusapan nila. Napapikit na lamang ako at hinayaan na lamang silang pagusapan ako.
"Ahh!" Sigaw ng mga babae kaya naman ay alam kong narito na sila. Kita kong dumaan na sina Singko dala ang pagkaing bigay sa kanya at ang iba pa nitong ka myembro.
"Yi!" Sigaw ng katabi ko kaya naman nanlaki ang mata ko na baka makita ako ng isang 'to. Agad naman akong yumuko, dahil hindi ko alam basta ginawa ko na lang iyon dahil sa kaba.
"Tss.." Rinig kong sabi nito bago ito maka alis sa pwesto namin. "Hell!" Rinig kong tili ng iba kaya naman ay inayos ko ang aking damit at buhok dahil alam kong papalapit na ito sa gawi ko.
"Love! " Sigaw ko ng dumaan ito, gulat itong huminto at sinarado ang iniinom nitong bottled water. Kita kong huminga ito ng malamin na parang pinagpapasensiyahan na lamang ako at dumiretso ito ng paglalakad na akala mo ay walang narinig na boses ko. Tss ang sungit mo naman love! sabi ko sa isip ko.
"Sungit naman ni Love!" Sigaw ko na ngunit nahulog 'yung cellphone na aking hawak, dahil nagtutulukan ang nasa likod ko. Kaya naman pinulot ko ito. "Mag iingat naman kayo, baka mabasag 'tong phone ko!" sabi ko pa habang pulot-pulot ang gamit ko.
Sa ilang sandali ay para akong may narinig na may nataaman.
"Omg! Ange! Okay ka lang!" Tingin ko sa katabi ko na nagdudugo ang ilong. Gumulong ang bottled water papunta sa akin. Bote to ni Hell, ah! Pagtataka ko kaya naman napatingin ako kay Hell na nag lalakad ngunit wala ng hawak na bote.
Kanya nga ito!
"Bakit kasi umilag ka?! Ange, okay ka lang ba?" tanong nito sa akin, habang hawak hawak nito ang kanyang kaibigan. Hindi ko ito pinansin at tinignan ang lalaking naglalakad papalayo. Dapat pala ay sa akin ito tatama ngunit... napatingin ako muli sa katabi ko at ngayon ay tinatayo nila at inaalalayan papunta sa clinic.
Agad akong umalis dala dala ang bote ni Hell.
"Oh? Ano ang ngiting 'yan?" Tanong ni Nellisa na ngayon ay nasa cafeteria kami at nakain. "Paano ay pinuntahan nanaman niya ang building ng KAZU," sabat ni Decerly at nanlaki ang mga mata ni Nellisa nang marinig iyon.
"Hoy! Napano ka, Stacy, Ah! Alam mong ang dami ng nangyari sa 'yo, dahil sa Kazu tapos heto ka nanaman?" Dagdag ni Nellisa na animo'y nag-aalala sa akin habang si Decerly naman ay binelatan ako na animo'y nang aasar.
"Ano ka ba! Wala namang nangy-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang...
"Omg! Sorry!" Taimtim kong tinignan ang babaeng binuhusan ako ng juice sa dibdib ko na akala mo ay napatid. Batid kong sadya niya iyon.
Napatid siya tapos ang tapon ng juice saktong sakto sa dibdib ko? Nakatingin ito sa akin at nakataas ang kanyang kilay habang inis na ngiti ang binigay nito.
Ang amoy na iyon...
Siya ang naghampas ng tray sa akin, naalala ko ang amoy na iyon.
"Sumosobr-" Pinigilan ko si Nellisa na akmang papatulan ang babaeng ito na nagtapon sa akin ng juice. Tinignan ko ng masinsinan ang babaeng ito at doon ko nakilala kung sino ito. "Okay lang..." sabi ko at ngumiti sa kanya. Kita ko ang inis sa mukha niya nang makitang chill lang ako sa ginawa niya.
"What do you mean 'okay? Tignan mo nga 'yang damit mo! Kita na 'yung pang itaas mo!" Si Nellisa na inis na inis at tinignan ng masama ang babae. "Okay lang, Nellisa. Hayaan mo na."
Sa ilang sandali ay humarap ako sa babae.
"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko. Hindi pa siga na tanong, kung hindi isang malamig lamang na tanong sa kanya. "Lumayo ka kay Hell." Diin nitong sabi sa akin na agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Sira ulo ba siya?
"Paano kung ayaw ko?" Tanong ko pang muli.
"Edi, makikita mo." Sagot nitoat dinaanan ako bagkus tinama niya ang braso nito sa aking braso. Tumayo si Nellisa at lumapit sa akin, saka ako niyakap.
"Kita 'yung bra mo, Stacy." Kaya naman napatingin ako sa kanya at nanlaki ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AksiyonHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...