CHAPTER 41
MATAPOS akong maligo at banlawan ang sarili sa pagkababad sa ihi ng dugyot na iyon ay agad akong naglinis ng katawan muli. Ginamit ko ang iba niya panggamit para sa aking katawan upang hindi mapunta sa balat ko ang nakakairita niyang ihi.
Kahit ang kaniyang mukha mula sa pagtawa nito ay aking natatandaan dahil simula ng nakasama ko siya ay doon ko na lamang muli nakita ang pagtawa niya. Sana naman ay napasaya ko siya kahit sa saglit naming pagsasama.
"Tapos na 'ko," Paglabas ko sa kaniyang banyo ay agad ko itong nakitang nakaupo sa kaniyang sofa sa tabi ng kama nito habang naka dekwatro habang hawak-hawak ang isang libro na mayroon pang salamin mula sa kaniyang mga mata. Kung tutuusin ay ngayon ko lamang siyang nakita na ganito.
Mahilig pala siya magbasa ng libro na akala ko ay ang gusto niya lamang ay makipagrambulan.
"Uhmm..." Pagsang-ayon nito ngunit hindi pa rin ito tumingin sa gawi ko habang suot-suot ko ang kaniyang mahabang damit na may mahabang manggas na animo'y nagmistulang jacket sa akin.
Hindi ko man alam ang aking gagawin dahil hindi ko naman alam kung saan ako iiga o uupo dahil hindi naman akin ang kwartong ito.
Maigi akong umupo mula sa kaniyang kama mula sa dulo nito at muling pinagmasdan ang kabuuang nitong kwarto at ganoon pa rin ako namangha. Kung ang malaking kwarto ni Yi ay mas triple pa ni'yon ang laki nito.
"Sa buong KAZU 'ba ay iyo lamang ang pinakamalaki?" Kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha dahil ang mata ko ay nakatuon lamang sa kaniyang kwarto.
"Siguro." Tipid nitong sagot mukhang busy talaga ito sa pagbabasa ng kaniyang librong hawak na hindi ko alam kung ano ang pamagat.
"Kasi 'yong kay Yi ay parang kasing laki ng-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang mabiliss nitong isara ng malakas ang kaniyang libro na animo'y parang may pwersa sa kaniyang pagsara na sobrang lakas ni'yon kung tumunog.
Agad akong napatingin sakaniya ng naisip kong mali pala ang ginawa kong paglingon sa gawi niya dahil parang mangangain na siya ng buhay kung tignan ako. Ano nanaman ang mali sa sinabi ko!
"So this fucking room still not big to you? Huh?" Napalunok na lamang ako ng isipin ko na baka ang iniisip niya ay sinasabi kong mas malaki ang kwarto ni Yi kaysa sa kwarto niya kahit hindi naman dahil ang sasabihin ko ay parang kasing laki lamang ng kalahati nitong kwarto niya.
"Hindi ba't ang sabi mo ay ako ang mahal mo? Paano mo na lamang ang laki ng kwarto niya? Ah! Dahil nakapasok ka na nga pala at binihisan mo siya, tama ba?" Tuloy-tuloy ang kaniyang sinasabi na hindi ko man lang naintindihan ang iba na parang may sinasabi siya sa akin sa ibang paraan.
Mas lalo na lamang ako nabalutan ng kaba nanang mabiliss itong nasa harap ko at mabilis na itinulak upang ang pagkakaupo ko sa kama ay nagmistulang iga. Ngunit mas-lalong bumilis ang pagtibok ng aking dibdib ng animo'y siya naman ang nasa harap ko habang ang kaniyang magkabilang kamay ay nasa magkabilaang gawi ko.
Nakatingin ito sa akin ng may halong galit sa kaniyang mga mata kahit ang kaniyang mga kilay ay halos magdikit na sa sobrang inis mula sa nakikita ko sa kaniya.
"You can't love any man, except me..." Ang panlalaki ng aking mata ay sabay sa pagtibok ng aking dibdib ang kaniyang mga sinabi ay parang kakaiba sa aking pandinig ngayon. Bakit mayroon sa dibdib ko ang sinasabing may gusto siya sa akin kahit alam naman nating iba ang gusto niya?
"I don't fucking share what's mine," Natikom ko na lamang ang aking mga labi nang sabihin niya iyon. Hindi ko akalaing sasabihin niya iyon sa akin na pati ang puso ko ay hindi mapigilang magtanong.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AçãoHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...