Chapter 13

1.7K 74 5
                                    

CHAPTER 13


Nagpalit ang kan'yang mga tingin sa aming dalawa, habang hawak-hawak nito ang kan'yang bibig.

Gano'n na lamang ang gulat ko nang sumilip si Yi. Mas lalo akong kinabahan nang tumingin ito sa 'kin nang gano'n na lamang ang maraming beses kong paglunok, dahil sa kaba.

"You? Again?" Diin na tanong ni Mavie sa 'kin, habang ang mga tingin niya ay may halong inis at galit. Inalis ni Hell ang pagkakalagay ng kan'yang kamay sa pader saka niya ito inilagay sa kan'yang bulsa.

"Hell!" tawag ni Mavie, habang nakatingin ito kay Hell nang may lungkot. Naalala ko ang sinabi ni Nellisa kamakailan lang. Ex ni Hell ang babaeng ito. Tinitigan ko si Mavie na nakatingin lang ito kay Hell at si Hell naman ay gano'n rin. Nakatingin din ito kay Mavie.

Nakaramdam ako ng selos ng isipin kong mahal ni Hell ang babaeng ito, dahil ang kan'yang mga mata ay makikitaan mo ng lungkot.

Napatingin ako sa gawi ni Yi ng ang tingin niya ay kay Mavie kahit nakatalikod ito sa kanya.

"Hell, Mahal mo pa rin ako, 'di ba?"Gulat ko lamang ng tanungin iyon ni Mavie kay Hell. Mahal niya ang babaeng ito, 'yun ang nararamdaman ko. Ramdam ko iyon at doon ako nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Napayuko na lamang ako, dahil hindi ko alam kung bakit ba ako naririto.

"Hel-"

"You know from the start na hindi kita minahal..."

Gulat akong tumingin kay Hell nang sabihin niya iyon. Bakit kailangan mo magsinungaling?

"Then... Then bakit mo 'ko ginirlfriend? Ha! Why?!" sigaw na tanong ni Mavie habang nalabas ang kan'yang mga luha. Nakuha ng atensiyon ko ang kamay ni Yi na ngayon ay naka yukom na.

"Dahil gusto ko lang,"sagot ni Hell at doon ko na-realize kung nararamdaman rin ba ni Mavie ang pagsisinungaling ni Hell.

Bakit ba ito nagsisinungaling?

Saglit lamang ng biglang umalis ito sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa likod ni Hell na paalis at bahagyang napasilip rin kay Yi.

YAWA!

Ginalaw niya ang kan'yang mga labi na parang sinasabi na umalis na ko bago pa ko mamatay. Ang kan'yang mga tingin ay akala mo matatanggalan ako ng ulo.

Hindi ko alam kung ma papaalam pa ba ako pero ang tanging nagawa ko ay tinuro ang ang likod ni Hell at saka tumakbo sa kanya.

"Love!" 'yon na lamang ang nasabi ko, halos takbuhin ko ang direksyon niya, dahil ang bilis nitong maglakad. Ang isang hakbang nito ay tatlo na sa akin.

"Bakit mo ba 'ko sinusundan?" Inis nitong tanong sa 'kin kahit nakatalikod pa rin ito. Ngayon ay naandito kami sa garden. Isang malawak at magandang garden. May puno at mga bulaklak... ang ganda.

"A-ano kasi," Utal na sabi ko ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang umupo siya sa bench, dahil sa ginawa niyang iyon ay parang pinahintulutan niya akong samahan siya. Sa mga ganitong senaryo ay aalisan niya lamang ako o kaya naman ay babatuhin ng bote o hindi naman ay susuntukin ang pader at pagbabantaan ako.

Tinignan ko lamang siyang nakatingin sa kawalan. Nga'yon ko lamang siya nakitang gan'yan siguro nga ay nasasaktan siya ng husto.

Agad akong umupo sa tabi niya ngunit may awang pa rin ang pagitan namin.

            
Kinuha ko ang telepono ko, dahil naramdaman ko iyong nag-vibrate sa palagay ko ay kuya ko iyon. Hindi nga ako nag kakamali.

"Kuya..." Pagbungad ko sa kausap ko sa telepono.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon