CHAPTER 31
"Ano ang nangyari?" Tanong iyon ni Nellisa sa akin nang matapos akong maligo muli, dahil sa kagagawan ni Yi. Ang sira ulong lalaki na 'yon!
"Kita mo naman, 'di ba? Sinukahan ang ng bwesit na pinsan mo," Inis na asik ko nang maalala ko ang ginawa nito sa akin.
Pinilit kong maging kalmado, dahil una sa lahat ay nakikitira lamang ako rito at hindi ako maaring mag-asal kung sino lamang.
"Pasensiya ka na talaga, Stacy. Hindi kasi kami talaga pwede pumasok sa loob ng kwarto no'n, e." Nagbaba ang tingin nitong sabihin sa akin. Nawala ang pagkakunot ng aking noo at napabuga na lamang ako ng hangin saka tumingin sa kaniya. "Okay lang 'yon, hindi kasi talaga mahaba ang pasensiya ko... lalo na sa lalaking iyon," Paghihingi ko ng dispensa, dahil sa sinabi ko.
Maari siyang masaktan sa sinabi ko, dahil una sa lahat ay pinsan niya iyon at kadugo niya. Pangalawa ay baka sisihin nila ang sarili nila, dahil sila ang nagpumilit na ako ang pumasok doon.
"Ayaw niya kasing may papasok doon. Hindi namin kaya ang iwasan lahat ng atake no'n at saka masakit kasi 'yong manghablot, e." Hindi na ako nagtaka, dahil nang hablotin niya ang braso ko ay medyo masakit ang pagkakahawak nito roon.
Hindi ako nakapagsalita habang sinasabi niya ang mga iyon. Naawa ako, dahil mahal niya ang kanyang pinsan na kahit hindi siya gaanong itinuturing pinsan ay nag-aalala pa rin ito para sa kaniya.
"Stacy, Please... Alagaan mo muna si Kai Nian. Kung kaya lang namin ni Manang na pumasok at alagaan siya'y magagawa naman namin. Ang kaso kasi... once na tinopak 'yan ay no match kami," Kagat labi niyang sabi sa akin. "Sige... pasalamat siya at malakas ka sa akin. Ituloy mo na 'yung pagbabasa mo't ako na muna ang bahala sa pinsan mo," Ngiting wika ko sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang ulo.
"Thank you, Stacy!" Mabilis na yakap niyang bigay sa akin. Para tuloy akong may kapatid na babae dahil kay Nellisa. Aminado akong napalapit na siya sa akin at si Decerly kahit na masyado silang book worm ay naging mabait pa rin.
Mabilis akong bumaba at kumuha ng isang planggana at towel.
"Salamat talaga, Nak," Pagpapasalamat ni manang sa akin. "Wala naman po iyon, 'Nay." Sagot ko sa kaniya saka ko inilagyan ng tubig ang plangganang maliit.
"Paano mo nga pala napatahimik ang isang iyon? Buti ay hindi siya nagwala?" Takang tanong ni Manang, dahil wala raw siyang naririnig na sigaw o ano.
"Sinapak ko kasi, 'Nay. Ang ingay-ingay kasi tapos sinukahan pa 'ko." Hindi ko siya tinignan, dahil nakatuon ang atensiyon ko sa planggana. Agad kong pinatay ang gripo saka tumingin kay manang at halata sa kaniya ang pagkabigla sa aking sinabi.
"Nako! Anak! Bakit mo naman ginawa 'yon? Baka naman ay gantihan ka no'n," Pagpapaalala niyang sabi sa akin, habang nakatayo sa tabi ko at pinagmamasdan ang ginagwa ko.
"'Nay, kahit naman po hindi ko siya sinapak ay gagantihan niya pa rin naman ako. Kaya sinapak ko na lang gano'n din po maggagantihan lang naman din kami," Mahinahon na paliwanag ko. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko saka muling bumalik sa kanyang ginagawa.
"Alam mo? Bagay kayo." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Manang sa akin. Jusko, manang! Kilabutan ka sa sinasabi mo!
"Nay! May Boyfriend na po ako," Mabilis na sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko si Hell! "Siya ba ang dapat mong pupuntahan sa ospital?" Tingin at ngiti nitong tanong sa akin. Agad naman akong napa-ngiti saka ako tumango-tango.
"Kung gano'n ay pwede mo ba munang alagaan si Kai Nian? Hindi rin ako magtatagal dito, dahil may mga apo pa akong nag-iintay sa bahay," Pakikiusap sa akin ni manang.
![](https://img.wattpad.com/cover/52580065-288-k37021.jpg)
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AksiyonHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...