CHAPTER 33
"Love! Ahh! Ako naman!" Napatingin ako kay Hell nang sumigaw ito mula sa kan'yang pwesto.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari sa kaniya, dahil nagmistulan itong bata na hindi mo nabibigyan ng laruan o kaya naman ng kani'yang gustong kainin.
"Saglit lang, Love!" Napatingin ako kay Yi nang subuan ko ito ng kanin at manok, ngunit nakatingin lamang ito sa akin ng kay kupad-kupad ibuka ang kan'yang bunganga. Napakakupad talaga ibuka ang bunganga nito upang subuan ko siya ng kan'yang pagkain. "Yi! Ano ba? Bilisan mo na!" Naiinis na asik ko ng ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin nito naiibubuka ang kan'yang bibig.
"Love! Nagugutom na ako, oh! Ouch! Ah! Sakit!" Mabilis kong nilingon si Hell na ngayon ay parang tangang hinahawakan ang kan'yang sugat sa tyan. "Kai Nian!" Sigaw ko dito nang ang tagal nitong nguyain ang kan'yang kinakain.
"Bakit ba nagmamadali ka? Siya 'tong walang sakit sa kamay. Akala ko ba ay kaya mo na ang sarili mo?" May pagkain man sa kan'yang bunganga ay hindi ito nagpatinag nang sabihin niya iyon kay Hell.
Napasapo na lamang ako sa aking noo ng ito nanaman po silang dalawa. Akala ko ba ay magkaibigan ang dalawang ito? Ngunit kung titignan niyo ngayon ay akala mo mga batang magkaaway nang dahil sa laruan.
"Bakit? Kamay mo ba 'yung may lagnat?" Dinig kong sigaw ni Hell na animo'y biglang umayos ng upo na akala mo ay aambahan ng dis-oras ang lalaking sinusubuan ko ngayon.
"Love!" Nagulat na lamang ako nang isigaw niya ng kay haba ang tawagang hindi naman niya ginagawa sa akin o hindi naman niya sinasabi sa akin. Natawa akong lingunin siya ng nakataas pa ang kan'yang ulo na animo'y isang lobong umaalulong.
"Tss! Para kang bata 'yan na 'yung nagustuhan mo, Santiago? Napakalayo ng sugat niya sa kamay, gusto pa susubuan," Inis na sabi ni Yi. Napapikit na lamang ako nang isipin ko ang dalawang pinapasakit ang ulo ko.
Bakit ba napakakulit niyong dalawa? Takbo sa isip ko nang subuan ko muli si Yi ng isa pang kanin at manok saka ako pumunta sa gawi ni Hell na ngayon ay nakakunot ang kan'yang noo habang ang kan'yang nguso ay naka-pout. Ang mga tingin nito ay sinusuyod ang buo kong mukha.
"Oh, Ah! May gusto ka pa ba kainin?" Tanong ko rito... saka ito mabilis na pinag-cross ang kan'yang braso. "Love... Kain na. Sige na kain na... sorry na, Love." Natatawang asik ko habang pinipilit subuan ito ng pagkaing gusto nito.
"Ako na lang pakainin mo... 'wag na 'yan!" Turo nito kay Yi na kinalaki naman ng mata ng isa. Pinikit ko muli ang aking mata nang maisip kung ano ba ang nangyayari! "Anong 'wag ako? Ikaw nga 'tong hindi mo naman siya gusto pero nagpapasubo ka sa kaniya!" Pakikipagtalo ni Yi. Napatigil sa pagnguya si Hell nang marinig ang sinabi ni Yi.
Kumunot ang noo nito saka niyukom ang kan'yang kamao na halatang nagpipigil ng galit.
"Siya ang may kasalanan kung bakit ako naandirito sa bwesit na ospital na ito!" Natikom ko ang aking bibig nang sabihin niya nanaman iyon. Napakurap ako ng kaunti at pinilit na hindi narinig ang kan'yang sinabi.
Alam kong ako ang may kasalanan kahit pagbalik-baliktarin ko man ang mundo ay ako pa rin talaga ang mali na kahit kailan ay hindi mo mababago. Bakit ba kasi ako nagpanggap na girl friend nito? Ngunit wala naman akong paki, dahil ginusto ko rin naman iyon. Ang kaso hindi maganda ang naging resulta.
"Kaya mong labanan ang lahat ng iyon," Napatingin kami sa pintuan ng tulu'yang pumasok ang isa sa mga KAZU. "Bakit ka narito?" Iritang tanong ni Hell ng pumasok si Singko sa loob ng kwarto.
"Hell! Ako ang nagbantay sa 'yo nitong nakaraan, kaya 'wag kang ano r'yan." Nagtakang tumingin sa akin si Hell nang big'yan ko ito ng tubig saka naman nito ibinalik ang tingin kay Singko na may halong pagtataka. "What? Akala ko ba ay siya ang nagbabantay sa akin?" Turong sabi sa akin ni Hell na ikinagulat ko. Binabantayan rin naman kita, ngunit hindi kita masamahan minsan 'pag gabi, dahil napasok ako sa iskwelahan.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
ActionHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...