Chapter 9

1.8K 64 2
                                    

CHAPTER 9

Ngayon ay nasa school na ako. Panibagong araw ngayon ang hinarap ko. Hindi kaya ako nakatulog kagabi ng maayos!

                     
Hayss... Bakit kasi ay padalos-dalos ka kung kumilos! Hindi ako pumunta sa building nila kanina dahil sa takot na baka ay masuntok na talaga ako ni Hell.

Napakagandang isipin na mahahawakan ni Hell ang mukha ko! Pastilan, Stacy! Agad akong natauhan ng isiping napakasiraulo ko.

Ngayon ay vacant namin. Halos ang mga classmate ko ay nasa ibaba at iilan lang ang naandito.

Naandito lamang sa room ang magkaibigang si Rica at Luna pati na rin ang iba pang babae na naghaharutan lamang. Sina Dece at Nellisa naman ay pumunta lamang sa banyo.

Naglabas ako ng hangin mula sa aking bibig ng maisip ang nangyari kagabi. Napakaraming nangyari kahapon.

Una ay napansin ako ni Hell at binato ng bote.

Pangalawa naman ay nakisali ako sa gulo nila.

Pangatlo naman ay si Yi!

Halos sabunutan ko ang aking sariling buhok ng dahil sa padalos-dalos na gawain ko. Asan ko ba nakukuha ang tapang ko? Napahinto ako sa pagsabunot ko sa buhok ko nang maisip na saan nga ba ako nakakakuha ng lakas ng loob?

Na feeling ko ay mayroon sa akin na sanay sa gulo at bakbakan pero ang totoo ay hindi. Sapagkat ang kwento sa akin ng kuya ko ay noong highschool lamang ako ay panay ang pagtuon ko sa pagbabasa ng libro pero ngayon ako ngayon kahit libro ay hindi ko matignan.

Ano ba 'ko talaga noon? 'Yan ang nasa isip ko. Hindi pangkaraniwang babae ang kayang sumuntok ng isang beses sa lalaki at agad itong tutumba.

Ibig sabihin ay napakalakas ng aking kamao. Hindi ko rin alam kung saan ko nakukuha ang pakiramdam ko sa tuwing may papalapit sa 'kin. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga 'yon at ang tanging nasa isip ko lang ay kung bakit gano'n.

Agad kong sinalpak sa tainga ko ang earphone ko at pinatugtog ang kantang alam kong magpapatanggal ng kung ano sa isip ko.

'I remember tears streaming down your face when i said I'll never let you go...'

Unang lyrics pa lamang ng kanta ay taimtim kong pinikit ang mga mata ko. Sa pagkat pagnaririnig ko 'tong kantang ito ay may bumabalik sa mga ala-ala ko ngunit hindi ko makita kung sino.

Isang babaeng yakapayakap ako at sinasabing

"Nandito lang ako..."

'Come morning light , you and i'll be safe and soun-'

"Hey!" hindi natapos ang kabuuang kanta nang hilain ni Decerly ang earphone sa tainga ko.

"Bakit?" takang tanong ko dito. Hindi nito kasama si Nellisa. "Inaantay na tayo ni Nellisa sa cafeteria... Tara na!" pagyaya nito. Napatingin ako sa orasan ko ng oras na pala ng lunch break namin.

"Nag-bell na kanina pa! Hindi mo narinig naka earphone ka kasi..." dagdag pa nito sa akin. Kaya  naman tumayo na 'ko at kinuha ang ang card ko para sa cafeteria. Sa paaralang ito ay hindi kami nagamit ng pera pagnabili ng pagkain. Meron kaming card dito at tanging ayon ang ginagamit.

May lamang iyong pera.

Bumaba kami ni Decerly at dumiretsosa cafeteria.

"Siya ba !yung bagong girl friend ni Hell?" rinig kong bulungan ng mga babaeng nasa gilid lamang. "Palagay ko nga..." sabi ng kasama nitong unang nagsalita.

"Bakit parang bumaba ang taste ni King Hell?"

Madaming bulungan ang naririnig ko kesyo ay ganito raw ako at hindi babagay kay Hell at maraming pang iba.

Napatingin ako kay Decerly ng matandaan kong kasama ko nga pala ito.

Nakatingin lang ito sa akin.

"Gusto kong ikaw mismo ang magsabi sa amin, kaya hindi ka namin tinatanong..." napangiti ako sa kanya at tinunguan.

Pagpasok namin sa cafeteria ay hinanap agad naman ng mata ko si Nellisa. Kita ko ang babaeng kumakaway mula sa may bandang gitna, kung saan ang upuang lagi naming inuupuan.

Pinuntahan namin at ito at gulat ko ng may pagkain na ng nakalahad sa mesa.

Taka ko itong tinignan at umupo sa harap nito.

"Um-order na ako.." ngumiti siya habang nag-peace.

Napaka-cute talaga nito.

"Maraming salamat talaga kagabi, Stacy, ah" halos maluluha nitong pagpapasalamat sa akin.
"At pasensiya na rin. Ayaw niya ng may nakaka alam ng magpinsan kami..." binigyan ko ito ng ngiti at ginaya rin ang pag-peace nito kanina.

"'Wag kang mag-alala! Ako ang magtatanggol sa 'yo." hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa ko pero gusto ko ay matuwa siya at hindi malungkot.

Nag-make face kasi ako sa harapan niya.

                     
"Nako! paseniya na, Stacy!" si Decerly nang mabugahan niya 'ko ng iced tea na iniinom nito.

Napatingin naman ako kay Nellisa ngunit namutla lang ito at nakatingin sa akin. Hindi ata talaga bagay sa akin.

Napapikit na lamang ako ng mapahiya ako sa kanila.

"K-kain na," ani Nellisa na pinipigilang tumawa. Napa-gasp na lamang at sinumulang kumain ng binili nilang burger steak sa akin at isang ice cream at piece cake.

Halos nasa kalagitnaan na kamei ng pagkakain namin ng magtanong si Nellisa.

"Magkakilala ba kayo ni Kuya Yi?" taka nitong tanong, habang sumusubo ng ice cream.

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nito. Napatingin ako kay Decerly na kumain lamang ng kanyang chicken and rice.

"Sa totoo ay hindi. Nagkasalubong lang kami..." hindi ko man masabi ang buong detalye, dahil hindi ko ugali talaga ang magkwento.

"Ikaw pa lang ang unang babae nakagawa no'n sa kanya..." nakatingin lamang sa mga  mata ko at seryosong nagsasalita.

"Kaya mag-iingat ka, Stacy. Masakit sa ego niya ang apakan ng gano'n na lamang ang pagkatao niya..." dagdag pa nito.

"Kayo ba talaga ni Kuya Clark?"

"Ni Hell?" balik kong tanong sa kanya at tumungo ito bilang sagot.

"Sa totoo lang ay-"

                    

Halos nayanig ang buong ulo ko ng may humampas sa gilid ng mukha ko ng isang tray. At sa kadahilanan na 'yon ay mapunta ako sa sahig. Sinubukan kong tumayo ngunit...

"Ahhh!!!" sigaw ko nang biglang kumirot ang ulo ko.

'Fury..' isang boses ang aking narinig.

"Ahhhh!!!" halos hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ko, dahil para itong binibiyak. Rinig ko ang tunog ng tray na tumama sa sahig.

At tuluyang nandilim ang paningin ko.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon