CHAPTER 1
"Uhhm..." saka ko tinakpan ng unan ang aking mukha. Naiirita ako sa aking naririnig, nasisira ang umaga ko.
Tunog iyon ng aking alarm clock mula sa aking side table sa tabi ng aking kama. Ngunit patuloy pa rin ito sa pagtunog kaya naman agad kong ginalaw ang aking kamay at saka hinunting ang pisteng alarm clock na iyon. Partida ay nakatakip ang aking mukha ng unan.
Kinakakapa ko ito ngunit saka ko naramdaman ang pagtabig ng isang metal sa kamay ko na kaagad nitong nahulog.
Batid kong iyon ang alarm clock ko. Agad kong inalis ang unan sa mukha ko at agad kong tinignan ang nahulog na alarm clock.
Bagay lang yan sa 'yo! Dahil ginising mo ang diwatang natutulog. Ala-sais na pala ng umaga, agad akong nag-unat habang naka upo sa aking kama at saka tinignan ang bintanang natatakpan ng kurtina ang pasikat na araw. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at saka ko pinuntahan ang aking bintana at hinawi ang kurtina nito.
"Napakaganda ng umaga!" bati ko nang masilayan ko ang umaga. Sinimulan kong kunin ang aking school uniform at inilapag ito sa kama.
Saka ako dumiretso ng banyo upang maligo dahil syempre papasok ako. Sinikap kong maligo ng maayos at hindi nagmamadali. Ako na siguro 'yung babaeng kung maligo ay ilang ulit ng pagsasabon ang gagawin.
Hindi nagtagal ay natapos ako sa paglilinis sa sarili ko kaya't naman ay agad akong nagbihis. Pagkabihis ko ay saka ako humarap sa salamin at saka kinuha ang aking favorite liptint.
Kailangan kong maging maganda dahil makikita ko ang aking pinaka-crush! Medyo hindi nga lang maganda ang pangalan niya na sa pag-iisip ko ay anak siya ng ihhh! hindi ko masabi, dahil 'di ko kaya. Nakakakilabot sabihin ang pangalan nito dahil baka doon ako mapunta pag nagkataon.
"Done!" habang nakangiti sa harap ng salamin. Kaagad kong kinuha ang bag ko saka bumaba .
Ang aking kwarto ay nasa pangalawang palapag ng aming bahay. Ang kuya ko naman ay sa dulo.
Ang kwartong pangatlo ay sa mga magulang ko pero hindi na ito nagagamit simula nu'ng mawala sila sa mundong kinagagalawan natin.
Kasama na nila ang panginoon natin kaya naman ay tanggap ko na.
"Good morning!" bati ko sa kuya ko. Saka ko ito hinalikan sa pisngi. Sa totoo ay siya na ang tumayong magulang sa 'kin simula nu'ng nawala ang magulang namin.
Mahal na mahal ko itong kuya ko.
"Umupo kana at ito na ang umagahan mo." utos nito sa akin kaya naman ay sinunod ko kaagad ang utos nito sa'kin saka pumalakpak na akala mo bata. Siguro nga ay masyado na ako nitong ini-spoiled kaya naman dala-dala ko hanggang paglaki ko.
Agad akong ngumiti ng ilagay nito sa harap ko ang paborito kong itlog na may kamatis. Naiiba na ba 'ko sa mga babae? Dahil kalimitang gusto nila sa umagahan ay itlog at hotdog ngunit ako kay gusto ko ay itlog na may kamatis.
"Kumain ka na d'yan at aasikasuhin ko na ang naiwang trabaho." saka ti-nap ang ulo ko na agad naman akong ngumiti. Napakaswerte ko talaga sa kuya ko. Siya nga pala si Sivien Levo Santiago 'Levo' na lang for short .
Matangos ang ilong at kulay black ang kanyang buhok na makintab na akala mo winax, kulay brown black ang kanyang mga mata at kulay pink na mga labi. Matangkad din ang aking kuya, kaya naman ay madaming nagkakagusto dito. Halos ang mga seniors ko ay nagtatanong sa 'kin kung may girl friend na ba siya?
Isang taon ang tanda nito sa 'kin ngunit hindi na ito nag-aaral dahil mas inatupag niya ang pag-aasikaso sa kumpanyang iniwan ng magulang namin nu'ng mamatay sila. Agad kong hinugasan ang pinggan na kinainan ko kaming dalawa lang kapatid ko sa bahay na ito. Walang katulong o ano.
Kung may lalabhan man ay magpapa-laundry lang kami.
Agad kong kinuha ang bike ko saka ko inupuan ito at pinasok sa tainga ko ang earphone ko at agad pumili ng kanta.
Playing: Safe and sound by Taylor Swift
Favorite ko itong kantang ito sa hindi ko malaman na dahilan, feeling ko kasi ay ito ang nagpapakalma sa'kin. Agad kong pinaandar ang bike ko saka tinahak ang short-cut papuntang school namin.
Ako nga pala si Stacy Levin Santiago. Tawagin niyo na lang akong 'Levin' para hindi ka na mahirapan. Ako ang bunsong kapatid ni Sivien Levo Santiago at bunsong anak nila Levisa at Steven Santiago. Alam kong maraming nagtatanong kung bakit nawala ang magulang ko.
Two years ago nang nagkaroon ng insidente ang mga magulang namin. Sabi ni kuya ay sinadya daw iyon ng kakumpitensiya ng kompanya namin upang sila ang manguna. Sa katotohan nito ay kasama ako ng mangyari iyon. Ngunit ni-katiting ay wala akong maalalang kahit ano sa nakaraang buhay ko.
Ang tanging naalala ko ay pagmulat ko ng aking mga mata matapos ang aksidenteng nangyari two years ago.
Kahit kuya ko ay hindi ko kilala at kahit ang aking pangalan ay hindi ko matandaan. Mas binilisan ko ang pagpidal sa aking bike upang hindi ako ma-late. Dahil gusto kong makita sa kabilang building ang ultimate crush ko! Senior ko ito at ako ay natigil ng pag-aaral ng isang taon, dahil kumakapa pa 'ko sa buhay kong nilimot ng ala-ala ko.
Pinarada ko ang aking bike at kaagad akong kumaripas ng takbo upang makita ang aking ultimate crush. Kailangan ko mauna dahil kung magpapatagal pa ko ay baka maipit ako sa likod at hindi ko siya makita.
Agad akong tumambay sa gilid ng hall at saka sumadal sa pader habang inaantay sila.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AcciónHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...