Chapter 48

1.5K 60 1
                                    

CHAPTER 48

"KAILANGAN MO MABUHAY ANAK..." duguan ang kaniyang mukha habang sinasabi niya ang mga iyon sa 'kin.

"'Wag kang bibitaw anak dahil maraming ngangailangan ng tulong mo..." halos nakabaliktan na ang aming kotseng sinasakyan at ngayon ay duguan na ang mukha ng aking ina gano'n din ang ama kong hirap na hirap habang nakatingin sa amin.

"Anak," kahit nahihilo na ako ay tinignan ko pa rin ang aking amang nagsalita.

"Tignan mo kung kaya mong buksan ang pintong iyan." kahit hirap sa pagsasalita ay nagawa niya akong utusan kung maari ko bang buksan ang pinto. Batid kong nayupi ang pintuan sa harap sa lakas ng pagkakabangga sa amin.

Agad kong sinipa-sipa ang pinto habang nakabaliktad ang kotse namin ngunit agad naman iyong bumuka sa sipa ko. Mayroon sa 'kin ang saya dahil makakalabas kami sa sasakyan na ito.

"Ma, pa!" kahit hirap sa pagsalita ay nagawa kong sambitin iyon nang bumukas ang pinto. Mabilis akong pinalabas ni mama at papa para makasunod sila sa paglabas.

Sugat-sugat ang aking mga tuhod at doon ko napansing may nakasaksak sa aking binti mula sa aming salamin. Kaya't halos pagapang ako nang makalabas sa aming pintuan at halos sugat-sugat kong nahawakan ang mga bubog sa labas at ganoon gumuhit sa aking kamay.

Pinipikit-pikit ko ang aking sarili ng tila mas lalong sumakit ang aking sugat sa isang binti na siyang pa tuloy ang pagdugo.

Agad kong kinuha ang kamay ni Mama na ngayon ay papalabas na rin ng sasakyan nang biglang may umilaw na sasakyan mula sa daan. Balakin ko mang humingi ng tulong ngunit gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko ng mabilis itong humarurot pa gawi namin na tila balak banggain ang sasakyan namin.

Paiyak akong tumingin kayla mama na tila minamabilis ang kilos nila sa paglabas ngunit halos nanlumo ako ng bigla akong tinunguan ni mama at binitawan ang aking kamay.

Sunod no'n ay ang mabilis na pagbangga sa sasakyan namin at gano'n naman ako kabilis kahit masakit ang paglayo ko roon. Luha at dugo ang pumapatak sa aking mga mata at ulo kahit paika-ika ang takbo ko. Kailangan ko mabuhay, kailangan kong isiwalat ang totoo.

Walang tao sa daan, walang sasakyan at panay puno lang ang nakapalibot at isang malawag na bangin.

Kahit paika-ika ang takbo ko ay halos na pahinto na lamang ako ng may marinig akong pagsabog mula sa likod ko at doon ko nakita ang pagsabog sa isang bangin. Hindi ko mapigilan ang iyak ko at doon ko napansing ang ilaw ng kotse na simila'y sa gawi ko.

Alam ko ang balak nito. Mabilis akong tumakbo at pinilit iyon kahit masakit ngunit pasuko na ang katawan ko pero kailangan kong mabuhay. Tila nawawalan na ako ng lakas at sa isang iglap ay ramdam ko ang pagkatalsik ko mula sa kalayuan at ang huling aking naaninag ay isang sasakyan bago nawalan ng malay.

"Stacy..." halos hilong-hilo ako ng imulat ko ang aking mga mata. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata ng sinimulan kong umupo ngunit tila parang hindi magawa ng aking katawan.

"No! Please!" halos tignan ko si Kuya at muling inilibot ang tingin at doon ko napansin kung nasaan ako.

"Please, magpahinga ka muna, Stacy." kahit gusto kong tumayo ay hindi ko magawa talaga ng maramdaman ko ang bigat ng aking katawan.

Halos gusto ko ng tumayo ngunit hindi ko pa rin magawa kaya't agad kong pinalibutan ng tingin ang loob ng silid na halos puti lamang ang nakikita.

"Kuya, nasa ospital ba tayo?" napalunok pa ako ng pinilit kong tignan ang kabuuan ang kwarto saka muling sinulyapan ang kapatid. Nakatingin lamang ito sa 'kin ng may pag-aalala.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon