Epilogue

2.7K 93 9
                                    


EPILOGUE

ISANG TAON ang nakalipas simula ang nangyaring trahedya. Doon ko lang nalaman na ang tunay na ina ni Hell ay si Tita Rochele na unang asawa ni Tito Lucifer. At ang anak naman ni Mama Mary ay si Seven.

Saka ko lang natandaan na kliyente ko ang mga Anderson ng pabantayan sa akin si Hell, dahil siya ang pakay ng mga abalos.

Bukod sa gusto siyang kunin ng mga Abalos, dahil naroon ang ina niya na si Rochele ngunit sa kagustuhan ni Lucifer Anderson at sa takot na rin na mapasama ang kaniyang anak sa kamay ng mga abalos na illegal ang mga ginagawa ay agad niya itong ipinabantay sa mga Castraquir.

"Gising ka na r'yan, please, love." Saka ko siya tinignan sa kaniyang hinihigaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin namumulat.

Hindi ko rin akalaing buhay ang magulang ko na halos nagtago lamang upang hindi ma kami madamay pa. Mabuti na lang ay mabilis iyong natagpuan ng mga Anderson. Laking tulong din nila sa amin.

Masaya akong nabuo kaming muli. Halos takot ang naroroon kay Mama at papa nang ikwento niya sa amin ang lahat. Halos nang ipahanap nila ang mga anak nilang Castraquir ay wala na raw ito kaya kahit masakit daw sa damdamin nila ay hindi na bumalik ng lungsod.

Iyon lamang ang tanging paraan ni kuya upang hindi ako matagpuan pati ang Organisasyong hawak ng mga Castraquir.

Ginamit namin ang Santiago na apelido ng aming Lolo sa aming nanay. Iniba ang aking pangalan at ganoon din ang aking kapatid. Walang nakakaalam ng kung sino kami.

"Love, gising ka na r'yan.." hawak-hawak ko ang kanyang kamay at saka iyon inilagay sa aking pisngi habang tinitignan siya. Isang taon ang lumipas simula ng nangyari at muling binuhay ng aking ama ang pamamalakad niya sa Castraquir.

"Love.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang kumunot ang kaniyang noo nang idilat niya ang kaniyang mata.

"Tumigil ka nga kakaganyan mo! Akala mo nasa-ospital pa rin ako kung makaganyan ka." Saka ito agad umupo sa kaniyang kama at nag-unat-unat.

"Tagal mo kasing magising, ma-la late na tayo sa school. Mamaya na ang graduation natin!" Excited kong sambit sa kaniya. Natigil kasi ito ng pag-aaral kaya't ang kinalabasan ay sabay ang graduation niya sa akin. Hinabol niya ang ibang subject kaya napasabay ang graduation niya sa akin. Ngunit ang ibang KAZU ay naka-graduate na nu'ng nakaraang taon.

"Tara nga rito!" Saka niya ako hinila na agad naman akong napayakap sa kanya. "Dito ka na lang kaya?" Tanong nito sa akin habang nakahiga ako sa kaniyang dibdib.

"Uhmm, nope! Hindi pwede! Hindi pa tayo kasal." Natatawang sambit ko sa kaniya ngunit nagulat na lamang ako ng halikan niya ang noo ko at ang tungkil ng ilong ko.

Agad akong napatingin sa kaniya at doon niya hinalikan ang mga labi ko. Gumanti ako ng halik mula sa kaniyang mga ibinibigay at tila nag-init ang aking katawan.

Ramdam ko ang kaniyang mga kamay na pinaglalaruan ang aking pisngi ngunit agad niyang inilayo ang kanyang labi kaya't nahabol ko ito.

"Should i fu.." hindi pa man din niya natatapos ang sasabihin ay alam ko na kung ano iyon. Dama kong namula ang mukha ko ng sagutin ko iyon.

"Yes," kagat-kagat ko ang aking labi habang siyang ay ngumising nakatingin na tila nagulat sa aking ini-asta. Hindi ako sang-ayon sa kaniya lagi kapag sinasabi niya iyon ngunit ngayon ay hindi pa man din tapos ang sinasabi niya ay sinagot ko na iyon agad.

"Please." Pagpapatuloy ko pang sambit na mas lalong ikinalawas ng kanyang mga ngiti kaya agad itong pumatong sa akin at doon pinaunlakan ng halik. Halik na tila hindi ko maramdaman ang mundo sapagkat idinadala niya ako sa ibang mundo.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon