CHAPTER 29
Gulat akong napalingon kay Hell nang makita kong iritang irita-siya. Halos lahat kami ay natikom ang bibig at ang tingin ay sa kan'ya lamang, dahil sa nangyari.
Hindi rin naming aakalaing magiging gano'n na lamang siya. Ang hindi ko alam ay bakit naman niya iyon ginawa. Wala naman kaming ginawa sa kan'ya.
"Too loud, I'm pissed," Walang emosyong sabi nito at parang blangko lamang ang kan'yang mga mata tulad ng dati. Walang sumagot sa kanya at lahat sila ay nagsipag-upuan sa sofa.
Agad naman akong pumunta sa gawi niya at umupo sa tabi ng kan'yang kama.
"Ano'ng gusto mo? May gusto ka ba?" Pagtatanong ko sa kan'ya. Agad naman itong tumingin sa akin, ngunit tulad ng inaasahan ko ay wala pa rin iyong emosyon at halatang walang ganang tumingin sa akin.
"Katahimikan," sabi niya nang biglang bumukas ang pinto.
"Guys! Sorry at may nurse na maganda sa babae! Opps..." Halos parang binuhusan ito ng tubig na malamig, dahil para itong nanigas. "He became Hell, right?" Takbo itong lumapit kay Roku na parang bata, sinundan lang ito ng tingin ni Hell na nakakatakot talaga.
Kakasabi lang niya nang gusto niya ng katahimikan, ngunit heto si Ar na biglang nagsimula ng ingay.
"He's Hell, remember? Walang binatbad ang Hell ni Santanas sa Hell ni Anderson," si Roku kay Ar na ngayon ay sumangayon naman sa sinabi ng kan'yang kaibigan. "Stacy, hindi na rin ako magtatagal. Just came here to see you and also him," Tayong sabi ni Nellisa at agad lumapit sa gawi ko habang ako naman ay nakaupo lamang sa upuang katabi ng kama ni Hell.
"Yow! Kuya Clark, mauuna na rin ako." paalam niya kay Hell na agad naman tumungo. "'Di ka ba papasok bukas? Sabi ko sa kay Ma'am may sakit ka, e." tanong nito muli sa akin. Napa-isip naman ako kung papasok ba ako bukas.
Napatingin ako kay Hell na ngayon ay nakatingin din sa akin na parang inaantay din ang sagot ko.
"Hindi na muna ako papasok. Wala kasing magbabantay sa isang 'to," Muling sagot ko kay Nellisa na ngayon naman ay patungo-tungo itong tinatanggap ang sagot ko. "Paano 'yung damit mo? 'Di ka ba maliligo?" Natikom ko ang aking bibig nang isipin kong hindi pa pala ako nakakaligo at kung papalipasin ko pa ito hanggang mamaya ay isang araw na akong 'di nakakaligo.
"Pipilitin ko na lang sumabay kay Yi para kumuha ng gamit," Mahinang sabi saka ito binigyan ng ngiti.
"Sumabay ka na kay Nellisa," Nakuha ni Hell ang atensiyon ko nang sabihin niya iyon. "Ha?" Wala lang, bet ko lang kasi nakakagulat lang ang sinabi niya sa akin.
"Ha?" Pang gagaya nito sa akin.
"Go on, sumama ka na sa kan'ya maligo ka na rin. You smells like a nasty ass." Hindi ko mawari kung nang aasar ba siya o ano pero hindi ko palalagpasin itong sinabi niya!
Ipinahiya niya ako sa mga kaibigan niya at kaibigan ko!
Smells like nasty ass, my Ass!
"Ikaw nga hindi ka pa nga naliligo ng ilang araw! Hindi ka nga nakakapagpalit ng brief! Yuck!" Napatayo na 'kong nakapamewang sa kaniya nang sabihin ko iyon. Siya naman 'tong umayos ng upo at sumama ang tingin sa akin.
"Sino'ng nagsabing may brief ako?" tanong nito na ikinabigla ko, ngunit kailangan hindi tayo papatalo. "Bakit may etits ka ba para magbrief?" Pang aasar ko pa. Kala niya magpapatalo ako, ah! Sa larangan ng asaran ay hindi mo 'ko malalamangan.
Sinanay ako ni kuya sa gan'yan, dahil lagi niya kong inaasar na tulo laway at iba pa.
"Take it back, Woman! I'm no longer messing around!" Halos sasabog na ang mukha niya sa sobrang pula, dahil sa sinabi ko... masakit ba?
"Ikaw 'yung nanguna! Sinabihan mo 'kong smells like nasty ass!" dahil totoo naman! Siya naman talaga ang nanguna! "Bakit ko babawiin? Totoo naman!" Paninimula niyang muli na kinakunot ng aking noo. Talagang matigas talaga ang kokote mo, ah! Hindi ka talaga sususko, ah!
"Hindi ko rin babawiin ang sinabi ko!" ngunit gano'n na lamang gulat ko nang kinagat nito ang kan'yang labi na para bang asar na asar na. Sa totoo lang ay ngayon ko lang siyang nakitang ganito na parang bata kung umasta o ganito talaga siya makipag-asaran.
Iniisip ko tuloy kung close na ba kami, dahil sa ganitong pangyayari.
"Take it back! Hindi mo pa nakikita ang sinasabi mo. It's big as Hell baka pagsinampal ko sa 'yo to bumaliko 'yang ulo mo." Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon!
Ang bastos mo! Pero gusto ko 'yan! Charot! Pero uminit ang mukha ko nang sinabi niya iyon. Halos hindi ko maisip kung gaano nga ba iyon kalaki? Pero yawa, Stacy! Ano ba ang pinag-iisip-isip mo? Napakabastos mong babae ka!
"Ano? Wala ka pala, e." Pang aasar pa nito at bahagyang natawa. Nanatili ang mga ngiti nito habang nakatingin sa akin. 'Wag kang magpapadala sa ngiti na 'yan Stacy! Mahal mo siya, oo, pero dapat ay hindi tayo magpapadala!
Magsasalita pa sana ako nang malakas na sumara ang pinto. Sa lakas no'n ay gano'n na lamang ang bigla ko kaya naman ay napunta roon ang atensiyon ko.
Hawak-hawak ni Mavie ang doorknob at gano'n na lamang ang gulat ko ng basing-basa ito. Sa kabilang kamay nito ay may hawak na bulaklak.
Mabilis na umaksyon si Yi at saka agad pumunta sa gawi ni Mavie. Natulo ang mga butil ng tubig mula sa sahig, dahil basing-basa ito. Malakas ata ang ulan sa labas.
Agad ipinatong ni Yi ang kan'yang jacket kay Mavie at saka kinuha ang bulaklak na hawak nito na walang anu-ano'ng hinagis sa lapag.
Napatingin ako kay Hell na nakatingin kay Mavie. Nawala na ang ngiti nito sa kan'yang mga labi.
Hindi ko alam ang nasa isip niya, pero iisa lang ang nakikita ko ngayon. Sa palagay ko ay nasasaktan siya sa nakikita niya. Mahal ko siya pero hindi ako ang mahal niya.
"Let's go," Rinig kong pagyaya ni Yi kay Mavie, ngunit nagpumiglas si Mavie. "H-Hell," Mahinang sambit ni Mavie na halatang nasasaktan din.
"Please," Dugtong niya muli, ngunit si Hell ay nakatingin lang din sa kan'ya ng walang reaksyon. Halatang hindi niya ipinapakita ang nararamdaman niya para kay Mavie.
"Mavie, Let's go." Pinipilit itong lumabas ni Yi. Alam ko ang balak ni Yi. Ayaw niya ring nakikitang nasasaktan ang mahal niya. Katulad ko, nagmamahal din siya ang kaso nga lang 'yung mahal niya ay hindi rin siya mahal.
At ang mahal ng mahal niya ay mahal din siya.
Nagpupumiglas muli si Mavie sa kagustuhang magparito muna pero hindi siya pwedeng matuyuan ng basa siya. Magkakasakit siya.
"Mavie!" Sigaw ni Yi na ikinabigla ni Mavie. Nakuha ni Mavie ang atensiyong hinihingi ni Yi. "Please," Mahinang sambit ni Yi. Kita kong napalunok na lamang si Mavie at bahagyang tumulo ang kan'yang mga luhang yumuko.
Naunang itong lumabas ng pinto na hindi ko inaasahan, dahil lagi siyang matigas ang ulo at hindi nakikinig kay Yi.
Napatingin ako kay Hell muli ng naandon pa rin ang tingin niya sa pintong pinaglabasan nila Mavie. Ilang minuto ang nakalipas nang nabalot ng katahimikan ang loob ng kwarto maging si Ar ay nakalobo ang pisngi at parang batang nagmumuni-muni, habang ang kan'yang dalawang paa ay minimal na nag-aangat-angat.
Si Roku naman na nakatutok lamang sa kan'yang cellphone na para bang iniiwasan ang ganitong eksenang napaka-drama.
Napatingin ako kay Nellisa at gano'n rin lamang ang kan'yang reaksyon, nakayuko lang din ito.
"Uhmm, Love? Mauuna muna kami ni Nellisa, ha? Babalik din ak-" Pagpapaalam ko, ngunit mukhang wala ito sa mood. Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang magsalita ito muli. "Umalis ka na lang." Natikom ko ang aking bibig nang sabihin niya iyon sa akin, pero sana'y naman ako sa ganitong ugali niya pero ang hindi ako sana'y ay 'yung kinakausap niya ko ng casual.
Sana'y akong lagi niyang minumura at tinataboy, pero nitong paggising niya ay nagbago ang pakikitungo nito sa akin.
Agad akong tumungo saka ko bigla siyang hinalikan sa cheeks na ikinabigla niya.
"What the fuc-" Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya nang bigla akong tumawa. "Bye, Love! Babalik ako mamaya." Sabay kindat sa kan'ya. Tumayo naman agad si Nellisa at saka kami umalis at madaling umuwi sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
ActionHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...