Chapter 37

1.7K 66 5
                                    


CHAPTER 37

"'Wag kang papasok, hintayin mo lang ako rito," Banggit nito sa akin nang matapos kaming kumain at pumunta sa itaas ng kanilang bahay. Hindi ko man alam kung kaninong kwarto ang nasa tapat ko ngayon na ngayong pinasukan ni Hell at ito naman akong naghihintay lamang sa labas nito. Ang arte naman nito, parang hindi kami magiging mag-asawa sa huli.

"Love? Pwede na ba 'ko pumasok?" Paglapit ko sa pinto at doon ito isinigaw. Sapagkat gusto ko makita ang loob ng kwarto nito. Alam kong wala ako sa posisyon ngunit ang sabi niya ang ako na ang girl friend niya kaya dapat ay pwede rin ako makapasok sa loob ng kwarto niya.

Hindi ba't napaka-aggressive ko? Wala na siyang magagawa, dahil sinagot na niya ako! Charot! Akala mo naman ay niligawan ko siya. Walang sumagot sa aking tanong nang tanungin ko ito kung pwede na ba ako pumasok. Wala akong alam kung ano ba ang aking gagawin ngayon, dahil siya naman itong nagdala sa akin dito. Bakit ba niya ko kasi dinala rito? Napatingin ako kabuuan ng kanilang pangalawang palapag. Sa totoo lamang ay hanggang dalawang palapag lamang ito ngunit napakalaki naman ng nasa loob.

Napansin ko nu'ng nasa labas ako at naroon sa kan'yang sasakyan ay animo'y parang may pangatlong palapag pa ngunit nang narito na ako sa pangalawang palapag ay wala akong makitang hagdanan pang muli para makaayat pa sa pangatlong palapag.

Inisip ko muli ang aking nakita. Imposibleng hindi ako magkamali, dahil wala naman dito ang isang maliit na bintana na animo'y makikita lamang sa tuktok. Pinatong ko ang aking mga siko sa wooded barrier na nakapalibot sa buong palapag na rito sa pwesto ko ay makikita mo na ang buong baba at kapagtinignan mo naman ang itaas nito ay napupuno ng chandelier na halos kumikinang sa sobrang ganda na animo'y may hugis kandila ang iba.

Gano'n na lamang ang lakas ng aking pakiramdam nang may kung sino ang nakamasid sa akin na agad naman ko namang hinanap ng tingin ng patago. Tumingin ako sa ibaba at mula sa gilid ng isang madilim na sulok ay doon ko nasisigurado ang nagmamasid sa akin. Isang malamig na ngiti ang ibinigay ko rito, kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha ngunit batid kong nakikita niya ang ginawa.

"Watching me, while I'm staring at you..." Mahinang bulong ko sa aking sarili saka ako ngumuya kahit na wala namang bubble gum sa aking bibig. Find it cool! Ngunit gano'n na lamang ang aking pagka-alisto nang maramdaman kong may kung ano ang patama sa akin. Isang palaso! Halos sambitin ko sa aking isip nang unti-unti kong makita ang bagay na iyon na patama sa akin. Mabilis kong sinalo ang bagay na iyon nang makalapit ito sa akin. Kung ikukumpara ko lamang ang bilis ay parang isang kurap mo lamang ang bilis.

Kung hindi ko iyon sinalo ay malamang matataman ang braso ko. Alam kong hindi niya ako tatamaan sa parteng pwede ako mamatay subalit heto ako ngayong gustong tamaan sa braso. Hawak-hawak ng aking kanang kamay ang palasong muntikan ng tumama sa kaliwa kong braso, habang ang aking mga tingin ay nakapukaw lamang gawi niya na nababalutan ng dilim.

Gamit ang aking kanang kamay ay pinutol ko ang palasong itatama nito sa akin saka ko siya binigyan ng isa pang taas kilay na sinabayan ko ng ngiti.

"Ang pangit mo umasinta, Dad." Malakas na sambit ko na sapat naman niyang marinig mula sa ibaba. "Mahusay! Napahanga mo ako sa inyong kakayahan." Lumabas ito sa madilim na gawi na unt-unting nakikita ang kaniyang ibabang damit hanggang sa matamaan na rin ng ilaw ang kaniyang pang itaas na damit na umabot na rin ang kaniyang mukha.

Isang ngisi ang nakalagay sa kan'yang mga labi habang naglalakad ito na ngayon ay nasa gitna na mula sa ibaba habang ang mga tingin sa akin habang ang kan'yang hawak na pana ay isinasabit niya sa kan'yang braso na 'di umanoy ginawang bag.

"Trying to shoot me with this?" Natatawang tanong ko saka muling ipinatong ang aking siko sa wooded barrier. "Ni-hindi man lang umabot sa braso ko?" Saka ko ipinangalungbaba sa aking kamay ang aking baba. Kita ang inis sa kan'yang mga mata nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Mukhang nainsulto ko nanaman ang isang ito at baka naman ay magmaktol nanaman ito sa kan'yang asawa.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang tatay ni Hell at doon ko namang napatunayan ang isang pagkakahawig sa ugali nilang parehas. Ang pagiging sadista at sa kan'yang ina naman ang kan'yang mukha sapagkat ang pagiging maldito ay maari niya ring nakuha sa kan'yang ina.

"Maswerte ka, dahil ikaw pa lang ang kauna-unahang nakapasok dito na makakalabas ng buhay." Inilapag niya ang pana sa itaas ng isang cabinet. Doon nanaman tumama sa aking isipan ang wala pang nakakalabas na buhay sa loob ng bahay na ito? Ano ang ibig niyang sabihin? "Ano ang ibig mong sabihin-" Nawala ang aking sasabihin ng dumating sa kan'yang gilid ang isang magandang babae na nakasakay sa wheel chair.

"Lucifer! Hindi mo na kailangan pang banggitin ang ganiyang bagay sa kaniya!" Inis na asik ni Mama Mary sa kaniyang asawa. "Tinatakot mo 'yung bata!" Muling habol niya pang sabihin niya iyon sa kan'yang asawa. "Tsk! Bata? Tinatakot? Ngayong nakita ko ang kakayahan mo ay hindi na kita tatanungin." Saka ako nito binigyan ng isang ngisi.

"Hindi ka ordinaryong babae lamang. May pinanggalingan ka, dahil ang mga taong nakakasalo ng mga asinta ko ay isa lamang himala o hindi kaya ay may pwesto sa organisyong ilegal, hija." Doon nawala ang pagkakunot ng aking noo nang sabihin niya ang katagang iyon.

'Organisyong Ilegal?'

Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ako? Alam kong hindi ito normal, dahil unti-unti kong nararamdaman sa aking sarili ang pagkasabik sa mga laban simula nang labanan ko ang grupo ni Kasim. "Lucifer!" Inis nanamang asik ng ina ni Hell sa kan'yang asawa saka naman ako nito binigyan ng tingin mula sa itaas. "Hija, asan si Clarkson?" Tanong nito sa akin saka tumingin sa aking gilid na gano'n na lamang ang aking paglingon nang marinig ko ang pagsarado ng pinto.

Isang poging lalaki ang lumabas at doon ko ito binigyan ng masayang ngiti. Ang lalaking ito ang nagbibigay sa akin nang dahilan upang makilala ko ang totoong sarili ko. Nang dahil sa kaniya ay gusto ko makilala ang sarili ko na noon naman ay hindi ko pinapansin at naniniwala na lamang sa sinasabi ng aking kapatid.

"Why?" Dikit nanaman ang kan'yang mga kilay nang itanong niya iyon sa akin. Napatingin naman ako sa hawak nitong bag na medyo may kalakihan. Ano ba ang mga iyan? "Ano 'yan? Maglalayas ka ba?" Nagtatakang tanong ko nang maisip kong akala mo ay isang punong-puno ng damit ang bag na kan'yang dala. "Clarkson? Aalis ka nanaman? Nito lamang ay hindi ka umuwi ng ilang araw, tapos heto ka ngayon aalis muli?" Kahit halata sa boses nito ang pagkairita sa kan'yang anak ay may halo pa rin ang kan'yang boses ng kalma.

Paano kaya nagagawa ni Mama Mary na pakalmahin ang kan'yang sarili sa sitawasyong dapat ay sisigawan niya ang anak niya?

"Bumuli ako ng unit," Mabilis na sagot nito na halatang hindi nagustuhan ng kaniyang magulang. "Hell! Hindi pa ba sapat ang bahay na ito sa 'yo?" Tanong ng kan'yang ama na halos bumuga na ng apoy sa inis mula sa kan'yang mukha. Kita sa kaniya ang pagkairita at hindi pagkagusto sa sinabi ng kan'yang anak. Bumuli si Hell ng condo? Ilang taon pa lamang ang isang ito at nakabili na ng condo?

"I'm not a kid anymore. Let me live in my own..." Walang emosyong sambit ni Hell na halos wala man lang reaksyon sa sinabi niya iyon mula sa kan'yang magulang.

"You will never leav-" Nakagat ko ang aking labi nang sumigaw ang kaniyang tatay ngunit hindi naman iyon natapos nang magsalita ang kaniyang ina. "Fine," Pag sangayon ng kan'yang ina sa kagustuhan ng kan'yang anak.

"Basta bukas na kayo umalis. Dito ka muna matulog, hija." Saka ito umalis at doon naiwan ang kan'yang asawa.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon