Chapter 18

1.7K 58 0
                                    

CHAPTER 18

"Gumising na ba siya?" Tanong ko nang makitang nakaupo si Nellisa roon. Siya lang mag-isa at wala na ang iba. Asan na sila? Takang tanong ko sa isip ko.

"Inilipat na ng kwarto si Kuya Clark. Inaantay lang kita dito kasi alam kong dito ka didiretso." Pasalamat na lamang ako at naandito ang kaibigan ko, ngumiti ako bahagya nang sabihin niya iyon sa akin.

Siguro nga ay itinuturi ako nitong kaibigan na talaga, kung gano'n ay bakit ako nahihirapang ikwento sa kanila ang lahat. Bakit sanay akong mag-isa at kimkimin ang lungkot.

Sapagkat ang kwento sa akin ni Kuya ay isa akong palakaibigan na tao, ngunit hindi ko man lang makita sa sarili ko ang bagay na iyon. Parang mas komportable ako nang ako lamang mag-isa at walang kaibigan. May oras nga na gusto ko silang utusan, ngunit naalala kong kaibigan ko nga pala sila.

Tanging si Hell lamang ang nagpabago sa akin. Simula nu'ng dumating siya ay nakulayan ang buhay ko. Naging masaya ako, nakakaramdaman ako ng tuwa at kilig. Pero masarap din pala pag may tumuri sa iyo ng tunay na kaibigan.

"Okay na ba siya?" Tanong ko sa kanya, habang ang tingin ko ay nasa pintong pinasukan ni Hell kanina. "Pwede bang unahin mo muna ang sarili mo?" Inis na sambit nito sa akin, kaya naman ay napatingin ako sa kanya at ang kanyang noo ay halos magdikit na ang mga kilay nito. Matawa ako sa ibinigay niyang reaction sa akin, dahil hindi ako sanay na gan'yan ang itsura nito.

Sanay akong nakangiti lagi ito at laging naka-peace sign.

"Ano'ng nakakatawa? Ano na lang talaga sasabihin ko sa Kuya mo?!" Parang nagaalalang Ate nito sa 'kin. Nawala ang ngiti ko nang sabihin nito ang Kuya ko. "Wala kang sasabihin sa Kuya ko, naiintindihan mo." Nag-iba ang tono ng pananalita ko at kita ko ang pag-iiba ng kan'yang itsura. Nabigla ito sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito pero ayoko ng mag-alala ang Kuya ko sa akin, marahil pagod na iyon sa trabaho kaya ayoko ng dagdagan pa.

"Nellisa, naiintindiha mo ba?" tanong kong muli. Nagbaba lamang ito ng tingin at saka tumungo. "Pasensiya ka na.... ayokong nag-aalala ang Kuya ko," Pagpapaliwanag ko. Umangat ito ng tingin.

Mas matangkad ako sa kanya ng kaunti.

Akma ko itong inakbayan saka nginitian at nagbigay rin ito ng ngiti. Paano ako kung isa talaga akong masungit at maldita noon? At hindi talaga ako lovely at malambing tulad nang sinasabi ni Kuya? May tatanggap pa kaya sa akin bilang kaibigan? Iiwan kaya nila ako?

Hindi ito ang tamang pag-iisip para sa gan'yang bagay. Isinalin ko iyon sa isip ko at inalala si Hell.

"Puntahan natin ang kwarto ni Hell," sabi nito at saka tinahak ang daan papunta sa kwarto nito. Pagpasok pa lamang namin doon ay halos mapuno na ang kwarto. Naandon ang KAZU, pito silang nasa loob. Isang doctor at si Mavie, dumagdag pa kami.

Na sa amin ang tingin nilang lahat, ngunit nawala rin agad nang magsalita muli ang doctor.

"Hindi kayo pwede lahat dito sa kwarto na ito. Tanging dalawa lamang ang pwede rito o isa," ani nito. Nang sabihin niya iyon ay agad akong nagtaas ng kamay. "Ako na po ang magbabantay," Agad ko ring nababa ng maramdaman ko ang kirot mula saking braso at likod sa pagpwersa kong itaas ang kamay ko.

"Hindi ka pwede," Sabat ni Yi. Nakatayo ito sa tabi ni Hell samantalang si Mavie naman ay nakaupo sa tabi ni Hell at hawak-hawak ang kamay nito na ikinakulo ng dugo ko. "Pwede ako at saka ako ang girl friend niya," Pagdidiin ko, kahit hindi naman talaga kami ay mas gusto ko na ako ang magbantay. Ayoko ng ang babaeng 'yan ang magbabantay sa mahal ko.

"Injured ka," si Seven. Napatingin ako sa gawi nito at nginuso niya ang braso ko at binti. Halos nanlumo ako nang sabihin niya iyon. Gusto kong ako ang magbantay at mag-alaga. "Pero... nang dahil sa akin-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. "Nang dahil sa 'yo kaya ganito ang inabot ni Hell. Kung hindi ka dumating sa buhay niya! Edi! Sana hindi na ito nangyari!" sigaw na sambit ni Mavie.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon