Chapter 46

1.7K 63 0
                                    

CHAPTER 46

MABILIS lumipas ang oras ng makauwi kami ni Hell sa kaniyang condo. Mas malaki pa ito kaysa sa inaasahan ko. Hindi ko akalaing sa murang edad ay magkakaroon siya ng kaniyang sariling condo.

Samantalang ako ay palamunin pa rin ng kuya ko. Mabilis sumagi sa isipan ko ang kapatid ko kaya't agad kong kinuha ang telepono ko saka iyon chineck kung mayroon na bang text or chat ng kuya ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaya ako na ang unang nag-chat sa kaniya.

Agad kong tinype kung kamusta na siya dyan at agad iyong sinend sa kaniya.

"Sino ka text mo?" mabilis akong napatingin kay Hell na ngayon ay hindi maipinta ang kaniyang mukha na animo'y hindi gusto ang aking ginawa. Ano ba ang masama sa ginawa ko kung nag-chat lang naman ako sa kuya ko?

" I was just checking to see if my brother had texted me yet." saka ko inilagay ang telepono sa aking bulsa at mabilis na tumakbo sa nakapamawang na siya sa aking harapan at doon pinaunlakan ng yakap.

Yakap na mahigpit. Ang kaniyang dibdib ay nakadiin mula sa aking tainga at doon ko naramdaman ang pagyakap din nito sa 'kin. Napakasaya ko ngayong araw dahil ngayon ay nalaman ko na mahal ako ni Hell.

"I thought you texted someone else." halakhak niya habang nakayakap pa rin ako sa kaniyang dibdib. "If it's your brother so, nevermind." at doon hinilig ang kaniyang ulo sa aking tuktok kaya't naramdaman ko ang presensiya niya lalo.

"I love you so much, Love." walang wisyo kong sambit ngunit buong puso ko namang sinabi sa kanya. Isang halik mula sa aking ulo ang aking naramdaman at doon ko na-feel lalo ang pagmamahal nito sa akin na ngayon lamang niya pinagtapat.

"I hate you too." halakhak muli nito at doon inangat ang aking baba na ngayon ay magkatapat na ang aming mukha. Ang mapupula nitong labi at matangos na ilong ang una kong tinignan. Sapat na pala ang tingin na ito upang masabi ko na sobrang perpekto ng ganiyang pigyura.

"Was that mean is I love you too?" paglilinaw ko sakaniya na ikinalawak ng kaniyang ngiti, mayroon sa isip ko na ganito rin kaya siya kay Mavie? Naging ganito kaya sila ni Mavie?

"It means, I love you so damn fucking much..." napapikit na lamang ako na parang kahit sa I love you ay may mura.

"I'll spread my love to you, should I fuck you here?" agad akong napalayo sa gawi niya na mas lalong niyang ikinatawa. Ngayon ko lamang siya nakita talagang tumawa or nakita ko na noon pero bakit sa tuwing natawa siya ay parang ngayon ko pa lamang nakita sa kaniya.

"Get change," utos nito matapos nito akong asarin kaya't madali akong pumasok sa kaniyang cr at doon hinubad ang lahat-lahat saka ko ibinukas ang shower at doon ipinikit ang aking mga mata habang pinauulanan ng tubig sa aking katawan.

Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at mabilis na lumabas habang suot-suot ang robang nasa kanyang cr. Naabutan ko itong nakaiga sa kaniyang kama ng buksan ko ang kaniyang pinto.

"You done?" ay hindi ba halata? Char! Mabilis ako nitong nilapitan at inamoy bahagya ang aking buhok, halos kiliti ang bumalot sa aking dibdib at sa buong katawan ng gawin niya iyon.

"Shouild I..." alam ko na ang sunod n'yan kaya agad akong lumayo sa kaniya at pinandilatan lamang ito ng mata.

Marain itong tumawa at tumungo-tungo saka ito pumunta sa pinto.

"Andyan ang susuotin mo." turo nito sa gilid ng kaniyang kamang malaki. Isang pajama at mahabang damit na puti kaya't agad ko naman iyong sinuot. Halos ang laki ng kaniyang kwarto na hindi ko mawari kung gaano nga ba kalaki.

Parang kasing laki ng kaniyang kwarto sa mansyon nila.

Ilang saglit nang pumasok siya sa kwarto habang pinupunasan niya ang kaniyang buhok ng tuwalya. Kagat-kagat ko ang aking labi sa kaniyang ginawa na animo'y parang naghuhugis puso ang aking mga mata.

Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon