Dedicated this Chapter to a-lynborja
CHAPTER 25
"Y-yi..." Unti-unti itong lumapit sa akin at doon lamang ako nakaramdam ng kaba. Nakita niya ang ginawa ko! Hindi kaya isipin niyang masamang tao ako? At sabihin niya iyon kay Hell?
"Sino ka ba talaga?" Tanong nito sa akin, ngunit walang emosyon ang kan'yang mukha at tanging ang mga tingin niya lamang sa akin ang nakuha ng aking mga mata.
Bakit ganito ako kung kabahan? Hindi naman ako dapat magpaliwanag pa sa kanya, dahil sino nga ba siya para pagpaliwanagan ko? Ngunit mas lalo akong kinabahan nang makita itong nanlaki ang mata ng tanungin niya ko muli.
"Sino ka ba talaga?!" Sigaw na tanong nito sa akin.
Halos napalunok na lamang ang nagawa ko nang dahil sa nabalot ako ng kaba. Bakit sa kanya pa ako natakot? Nawala ang lakas at tapang ko kanina nang siya ang sumulpot ay alam kong wala akong sapat na lakas para labanan ang isang ito.
"Uulitin ko," wika nito sa akin ng ngayon ay magkalapit na kami at ilang metro lamang ang pagitan namin. "Sino ka ba talaga?" Napapikit na lamang ako bigla itong mabilis na sumugod sa akin.
Ngunit inaantay ko ang kan'yang pag-atake pero hindi ko man lang naramandaman ang ano mang kamay nito sa akin.
Napadilat na lamang ako at gulat na wala na ito sa harap ko. Agad akong lumingon sa aking likod at doon ko nakitang sinusuyod niya ito ng suntok.
"Yi! Mamatay 'yan!" Sigaw ko sa kanya at saka hinawakan ang kan'yang braso upang pigilan ito sa kan'yang ginagawa. Mapapatay niya ang isang 'to kung hindi niya ito titigilan.
Tumingin ito sa akin ng masama at saka inalis ang aking kamay sa kan'yang braso at tumayo. Nakatingin ito sa akin saka niya iginalaw ang kan'yang panga.
Gulat na lamang ako nang hinila niya ako at saka itinulak sa isang lalaking walang malay at puno ng dugo ang kan'yang bibig.
Ang lalaking pinagsusuntok ko kanina.
"Sa tingin mo? Kung wala ako rito nga'yon ay baka lahat pa ng iyan ay napatay mo," Diin na sabi niya mula sa likod ko. Dama ko ang sinabi niya kaya naman ay agad akong napaatras.
Kung hindi siya pumunta rito ay baka napatay ko ang mga ito. Lalo akong hindi magugustuhan ni Hell pagnalaman niyang ganito ako.
Agad akong napaharap sa kanya at saka yumuko.
"Please, 'wag mong sasabihin kay Hell." Yumuko ako habang sinasabi ko iyon sapagkat handa na akong magmakaawa habang sinasabi ko iyon. "At bakit naman hindi?" tanong nito sa akin. Agad akong dumiretso ng tayo at tinignan ito sa mata.
Ang mga mata niya ay nakatingin din sa akin at ang mga titig niya ay kakaiba. Naandon ang nakakatakot na tingin pero makikita mo iyon na siya ay nagtataka.
"Natatakot ako," Sagot ko at ikinagat ko ang aking ibabang labi saka yumuko. "Talagang matakot ka. Hindi mo kilala ang taong kina-aadikan mo," ani nito sa akin. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang kan'yang cellphone mula sa kan'yang bulsa.
Agad itong lumayo sa akin habang siya ay may kinakausap sa telepono. Natatakot na 'ko baka mamaya ay sinasabi niya na ang ginawa ko sa KAZU. Kita kong sumilip ito sa gawi ko saka niya sinabunutan ang kan'yang sarili na para siyang naiinis.
Napatingin muna ako sa kabuuan at doon ko na pansing lahat sila ay walang malay.
Hindi ako makapaniwalang nabigyan ko ng hustisya ang ginawa nila kay Hell, ngunit agad nawala ang saya sa dibdib ko nang makitang wala na ang hinahanap ng mata ko.
BINABASA MO ANG
Project One: Clarkson Hell Anderson (COMPLETE)
AçãoHe is the leader of KAZU, the strongest gang team in our university. While me, I am just a fan of him. He's Clarkson Hell Anderson. A man without fear and sanctification. And I'm the one who always teases him, always annoys him to get his attention...